Liza Soberano, emosyonal sa pagbabalik-tanaw: “I was the family dog”
- Emosyonal na ibinahagi ni Liza Soberano ang mga naranasang pang-aabuso mula sa nag-alaga sa kanya noong bata pa siya
- Tinawag umano siyang “family dog” at pinaglilinis pa ng dumi ng aso gamit ang dila
- Naalala rin niyang pinagbabato sila ng cupcakes at hindi siya tinulungan nang mabulunan sa spaghetti
- Nasagip lamang sila matapos mapansin ng social worker ang ebidensya ng pangmamaltrato
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang emosyonal na pagbabahagi, binuksan ni Liza Soberano ang isang masakit na bahagi ng kanyang nakaraan—ang mga mapait na karanasan mula sa panahong siya at ang kanyang kapatid ay nakatira sa bahay ng matalik na kaibigan ng kanyang ina. Sa episode ng podcast-cinema-documentary na Can I Come In? na inilabas noong Huwebes ng gabi, Agosto 14, 2025, detalyado niyang ikinuwento ang sinapit nila sa piling ni “Melissa,” ang babaeng pinagkatiwalaan ng kanyang pamilya para mag-alaga sa kanila.

Source: Youtube
Isa sa mga pinakatumatak sa kanyang alaala ay ang pagiging tinuturing umano niyang sarili na “family dog.” Aniya, “They would like to have family movie nights once a week or something and I was the only one that wasn’t allowed to participate in family movie nights.” Dagdag pa niya, “Because I was the family dog, so they would literally call me the family dog. I would have to sit in a big cardboard box behind the sofa. And I actually would just sit there like a dog.”
Hindi lang ito ang pang-aabuso na kanyang naranasan. Naalala rin niya ang isang pagkakataon kung saan birthday ng anak ni Melissa at inanyayahan silang lumabas ng kwarto, ngunit kalaunan ay pinagbabato sila ng cupcakes. Ibinahagi rin ni Liza na nagkaroon siya ng trauma sa meatballs matapos siyang mabulunan sa spaghetti at hindi man lang tinulungan ni Melissa.
Pinakamatindi, ayon sa kanya, ay nang utusan siyang linisin ang dumi ng aso sa sahig at gusto umanong ipagawa ito gamit ang kanyang dila. May mga pagkakataon din na hindi siya pinakain nang tatlong araw. Mabuti na lamang, napansin ng social worker ang mga galos at ebidensya ng pangmamaltrato, dahilan para sila ay mailigtas
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na sumikat sa iba’t ibang teleserye at pelikula sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagiging isa sa pinakamalaking pangalan sa industriya ng showbiz. Matapos makilala sa tambalang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, nagsimula rin siyang magtrabaho sa Hollywood at sa iba’t ibang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging bukas sa mga masakit na bahagi ng kanyang kabataan, na ayon sa kanya ay nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.
Matapos ang matagal na pananahimik, kinumpirma na ni Liza Soberano ang matagal nang haka-haka tungkol sa hiwalayan nila ni Enrique Gil. Sa panayam, sinabi ng aktres na hindi siya naging ganap na totoo sa publiko tungkol sa kanilang relasyon. Inamin niyang tatlong taon na pala silang hiwalay at nais niyang maging tapat na ngayon para magsimula ng bagong yugto sa kanyang buhay.
Sa hiwalay na panayam, ipinaliwanag ni Liza kung bakit pinili nilang itago ni Enrique Gil ang kanilang breakup sa loob ng tatlong taon. Aniya, gusto raw nilang mapanatili ang privacy habang pareho silang humaharap sa personal na pagbabago. Dagdag pa ni Liza, gusto rin nilang iwasan ang ingay at spekulasyon mula sa publiko habang pinoproseso ang kanilang hiwalayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh