Ruffa Gutierrez, nilinaw ang unang pahayag niya ukol sa live-in: "Wala nang excitement"

Ruffa Gutierrez, nilinaw ang unang pahayag niya ukol sa live-in: "Wala nang excitement"

  • Si Ruffa Gutierrez ay naging usap-usapan nito lamang dahil sa kanyang interview
  • Kamakailan ay ininvite ni Anna Magkawas si Ruffa sa kanyang 'Glow Up' podcast
  • Dito ay tinanong ni Anna si Ruffa tungkol sa una nitong comment sa pagli-live in
  • Aniya ng aktres, importante raw kasi sa kanya ang space sa isang relationship

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Ruffa Gutierrez, isang kilalang Filipina actress, ay muling naging paksa ng usapan online matapos tanungin tungkol sa nauna niyang pahayag hinggil sa mga couples na nagli-live-in.

Ruffa Gutierrez, nilinaw ang unang pahayag niya ukol sa live-in: "Wala nang excitement"
Photos: @niceprintphoto via @iloveruffag on Instagram
Source: Instagram

Matatandaan na sa programang Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Ruffa sa 'King of Talk' na hindi siya naniniwala sa live-in dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng space sa relasyon. "Hindi ako naniniwala sa live in. Kaya yung mga relasyon ko nagtatagal, kasi may space, diba? Excited kayo to see each other," aniya noon ni Ruffa sa nasabing interview niya kay Boy Abunda.

Sa pinakabagong panayam naman niya sa Glow Up podcast ni Anna Magkawas, muling nilinaw ni Ruffa ang kanyang paninindigan. Ayon sa aktres, hindi niya gustong makita ang kanyang 'jowa' araw-araw at sobrang mahalaga para sa kanya ang naibibigay ng personal space sa tao.

Read also

Neil Arce, natanong tungkol kay Angel Locsin: "She's taking online classes"

"Well, ako, I guess I need my space. Pwede naman sleepovers. Live in kasi is you're living with someone like you're a married couple. I personally need my space so I don't wanna see my jowa everyday, all day, morning, tanghali, gabi. After 6 months, baka inaaway ko na siya," ani Ruffa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, mas makikilala raw ng mabuti ang isang partner kapag nag-travel silang magkasama. "Ay wala nang excitement! After mga 10 years, parang nagsawa na kayo sa isa't isa. I think you'll see that when you travel together, kasi makikita mo how he treats people, swak ba kayo o hindi, tapos pag-uwi niyo sa Manila, 'Okay, bye! See you in a few days!' diba?" dagdag niya.

Sa pagtatapos ng panayam, ibinahagi rin ni Ruffa ang payo na madalas niyang sabihin sa kanyang mga anak. "Everyone's different but for me, I'd rather he comes to the house. The guy needs to put the work, and I always tell my kids na dapat sila ang bumisita sayo nang maayos sa bahay. That's my own personal opinion," sabi ng aktres, isang bagay na napa-oo ang marami.

Read also

Iwa Moto, sinupalpal ang basher sa live selling: "Ako mismo makakalaban mo"

Sa kabila ng iba't ibang pananaw ng mga tao pagdating sa live-in, nananatiling matatag si Ruffa sa kanyang paniniwala na mahalagang mapanatili ang espasyo at excitement sa isang relasyon.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, hinirang siyang Binibining Pilipinas at naging Second Runner-Up sa Miss World sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, may dalawang anak na babae si Ruffa — sina Lorin at Venice — sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, itinuloy niya ang kanyang edukasyon sa Philippine Women's University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay labis na nabigla si Ruffa Gutierrez sa post ni Lorin Gabriella. Kamakailan ay ibinunyag kasi ni Lorin na vinideohan niya ang aktres ng patago. Sa video, makikita ang iba't ibang reaksyon ni Ruffa habang nanonood ng laban. Ang laban na kanyang pinapanood ay ang boxing match ni Pacquiao at Barrios.

Read also

Zeinab Harake, binati ang kanyang 'idol' at 'inspiration' na si Marian Rivera sa kaarawan nito

Samantalang ay naging usap-usapan si Ruffa Gutierrez dahil sa palitan nila ni Yilmaz Bektas. Kamakailan ay tinanong kasi ni Yilmaz si Ruffa tungkol sa pag-follow nito sa posts niya. Dahil dito, sinagot naman ni Ruffa ang tanong ni Yilmaz sa kanya sa Instagram. Nag-viral naman ito agad sa social media at talagang naging usap-usapan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco