Katrina Halili sa pagpayag ni Ivana Alawi na dalawin siya ni Katie: "Napaka-genuine mo"

Katrina Halili sa pagpayag ni Ivana Alawi na dalawin siya ni Katie: "Napaka-genuine mo"

  • Labis na nagpasalamat si Katrina Halili sa Kapamilya star na si Ivana Alawi
  • Kamakailan ay nag-post kasi si Katrina tungkol sa pagbisita nila kay Ivana nito lamang
  • Aniya Katrina, napaka-genuine daw talaga ni Ivana lalo na pagdating kay Katie
  • Sa kanyang post, ibinahagi ni Katie kung gaano kabait si Ivana sa kanilang dalawa

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Katrina Halili, isang Kapuso artist, ay hindi napigilan ang magpahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Ivana Alawi matapos pumayag ang huli na bisitahin siya. Noong Sunday, August 10, ibinahagi ni Katrina sa Instagram na siya at ang kanyang anak na si Katrence Lawrence ay bumisita sa grand home ni Ivana.

Katrina Halili sa pagpayag ni Ivana Alawi na dalawin siya ni Katie: "Napaka-genuine mo"
Katrina Halili sa pagpayag ni Ivana Alawi na dalawin siya ni Katie: "Napaka-genuine mo" (@katrina_halili)
Source: Instagram

Sa mga larawan, makikita ang ilang masasayang kuha, kabilang ang litrato kung saan tila may ibinubulong si Katie kay Ivana. Sa post, buong puso siyang nagpasalamat sa aktres: "Napaka-genuine mo, bebe Ivana Alawi. Thank you sa pagpayag mo na bisitahin ka namin ni Katie. Naloka ako at nag-Can't Say No ka kay Katie."

Read also

Dina Bonnevie, napahalakhak sa sagot ni Kristine Hermosa: "Yun pala!"

Ayon kay Katrina, naglaan talaga ng oras si Ivana upang makasama si Katie nang ito ay bumisita — nakipaglaro, nagkuwentuhan, at sinigurong magiging masaya ang kanilang pagbisita. Aniya, "Talagang nag-effort ka ng time na makipaglaro at makipagkwentuhan samin. Mahal ka namin. Thank you din kay Mona, and mommy... pati na rin kela ate na nahingian ng Tupperware."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang minsan nang naging laman ng balita si Ivana matapos itampok sina Katrina at Katie sa kanyang vlog, isang video na mabilis na nag-viral sa mga viewers ni Ivana sa app.

Kalaunan ay ibinahagi naman ni Katrina sa isang online Q&A na pinagdasal talaga niya ang pagkikita nilang iyon: "Yung meeting with Tita Ivana po? Hindi po ganun kadali yun. Ang dami ko pong prayers na ginawa diyan." Kaya naman, marami ang natuwa na muling makita sina Katie at Ivana na magkasama, na tila ba walang nabawas sa kanilang samahan pati.

Read also

Video nina Bianca Umali at Ruru Madrid nang dumating ang huli, viral online

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagpasaya ng mga netizens si Katrina Halili. Kamakailan ay ibinahagi ni Katrina na may panibago silang smart lock sa bahay. Ngunit tila kailangan nilang mag-register kung kaya ginuide ni Katrina ang anak niya. Pero marami naman ang natawa sa pagkaaliw ni Katrina sa reaksyon ni Katie sa lock.

Read also

Ice Seguerra, inalala ang huling araw na nakasama ang ina: "Yun na pala ang huli"

Samantalang naging usap-usapan din si Katrina Halili noon sa social media dahil sa video na ipinost niya. Kamakailan ay ibinahagi ni Katrina kung papaanong nag-tantrum si Katie sa school. Maririnig sa video na sinusubukan ngang disiplinahin ng aktres ang kanyang anak. Inamin din ni Katrina na talagang naiiyak na siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco