Kristine Hermosa, may napaka-sweet na birthday note para kay Isaac: "Our lil Mr. Sunshine"

Kristine Hermosa, may napaka-sweet na birthday note para kay Isaac: "Our lil Mr. Sunshine"

  • Si Kristine Hermosa ay muling pinasaya ang puso ng mga netizens dahil sa post niya
  • Ngayong Sunday, August 3, ibinida ni Kristine ang in-edit ni Ondrea para kay Isaac
  • Ipinagdiriwang kasi ngayon ng anak nina Kristine at Oyo Boy Sotto ang kanyang birthday
  • Aniya pa nga ni Kristine sa kanyang anak na si Isaac, "Our lil Mr. Sunshine" daw

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Kristine Hermosa, isang kilalang Filipina actress, ay muling pinasaya ang puso ng mga netizens matapos siyang mag-post ng isang napaka-sweet na birthday message para sa kanyang anak na si Isaac. Noong Sunday, August 3, ibinahagi ni Kristine sa Instagram ang isang espesyal na video na inedit ng kanyang anak na si Ondrea para sa kaarawan ng kanyang kapatid.

Kristine Hermosa, may napaka-sweet na birthday note para kay Isaac: "Our lil Mr. Sunshine"
Kristine Hermosa, may napaka-sweet na birthday note para kay Isaac: "Our lil Mr. Sunshine" (@khsotto)
Source: Instagram

Kasama ng video ay ang mensaheng mula kay Kristine na talaga namang kinagiliwan ng marami: "To our lil Mr. Sunshine, you are one of the best/mama's favorite people in this world. Your family loves you soooo much! Thank you Jesus for Isaac's life." Makikita sa video kung gaano kasaya at kabibo si Isaac sa piling ng kanyang pamilya, dahilan upang lalo pang bumuhos ang mga pagbati sa comment section mula sa kanilang mga mahal sa buhay sa post ni Kristine.

Read also

Palitan nina Sofia Andres at Alex Gonzaga ukol sa binili ng huli, kinaaliwan: "Birthday ko"

Isa sa mga nagbigay ng mensahe ay ang kanyang lola na si Dina Bonnevie, na nagsabing, "Happy Birthday, my dearest cherubim, Isaac! May God always be the center of your life! Mama D loves you so much!" Sinundan ito ng kanyang tiyahin na si Kat Hermosa na nagsabi, "Happy Birthday to my Isaac! I miss you! Praying that you always be this lambing and kind. I love you soooo much! Mama Tin, can we call now?" Pati si Ciara Sotto ay hindi nagpahuli at nagkomento rin online: "OMG Isaac, my best friend! Happy Birthday! Mama Nene and Crixus love you so much!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa mga nakakatuwang pagbati at sa effort ng kanyang Ate Ondrea, mas naging espesyal hindi lang para kay Isaac kundi pati na rin sa mga tagahanga ang simpleng celebration na ito.

Muli na namang pinatunayan ni Kristine Hermosa na sa kabila ng kanyang pagiging artista, ang pagiging isang mapagmahal na ina ang kanyang pinakamahalagang papel sa buhay niya ngayon.

Read also

Cryptic post ni Janella Salvador ukol sa "right time" online, naging usap-usapan

Si Kristine Hermosa ay isang Filipina actress na kilala sa kanyang mga papel sa mga tanyag na teleserye gaya ng Pangako Sa 'Yo at Dahil May Isang Ikaw. Sinimulan niya ang kanyang karera noong mid-1990s at agad siyang sumikat dahil sa kanyang husay sa pag-arte at chemistry sa mga leading man niya tulad na lamang ni Jericho Rosales. Gumanap din siya sa kilalang pelikula na bahagi ng Enteng Kabisote film series. Samantalang, sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Oyo Boy Sotto, na anak ni Vic Sotto, noong 2011 sa Batangas. Sila ay may anim na anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling pinahanga ni Kristine Hermosa ang marami sa kanyang online post. Kamakailan lang ay nag-post kasi si Kristine ng madamdaming tribute. Ito ay para kay Oyo Boy Sotto ngayong Father's Day celebration nitong June 15. Bukod sa kanyang sweet na message ay nag-sorry pa nga si Kristine kay Oyo na kinaaliwan naman ng marami.

Read also

Bettinna Carlos, naging emosyonal sa request ni Gummy: "Anak, ito ang bumuhay sa atin"

Samantalang pinasaya ni Kristine Hermosa ang kanyang mga tagahanga. Noong Monday, May 12, sa isang post sa Instagram, ay ibinahagi ni Kristine ang photo ng kanyang anak na si Vittorio. Sa larawan, makikitang nasa loob ng banyo ito, nakatayo at nakatingin sa kanyang ina. Ngunit ang hindi inakala ng mga netizen ay ang nakakatawang kuwento sa likod ng viral na picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco