Yen Santos, nagsalita na patungkol sa mga tsismis sa kanila ni Chavit Singson

Yen Santos, nagsalita na patungkol sa mga tsismis sa kanila ni Chavit Singson

  • Si Yen Santos ay nagsalita na sa wakas tungkol sa isang tsismis sa social media
  • Inilunsad na kasi ng aktres ang kanyang opisyal na YouTube channel at unang vlog
  • Dito ay sinagot ni Yen ang mga isyu at tsismis kung saan nabanggit ang pangalan niya
  • Marami naman ang natuwa na binigyang-linaw na ng aktres ang mga isyu na ito online

Si Yen Santos, isang kilalang Filipina actress, ay nagsalita na sa wakas tungkol sa isang matagal nang kumakalat na tsismis tungkol sa kanya sa una at pinaka-latest vlog niya sa YouTube.

Yen Santos, nagsalita na patungkol sa mga tsismis sa kanila ni Chavit Singson
Photos: Yen Santos on YouTube | @luischavitsingson on Instagram
Source: Youtube

Kamakailan lang ay inilunsad ni Yen ang sarili niyang YouTube channel at ibinahagi ang kanyang unang vlog na may title: "Questions I Am Desperate To Answer." Sa 13-minute vlog na ito, sinagot ni Yen ang ilang personal na tanong — kabilang na ang isang tsismis tungkol sa kanya.

Ayon kay Yen, isa sa mga tsismis na nais niyang bigyang-linaw ay ang umano'y pagkakaroon nila ng anak ni Chavit Singson. "Yung tsismis na meron daw po kaming anak ni Manong Chavit. Guys, hindi namin yun anak, kapatid ko po yun. It's my youngest brother, tatlo po kaming magkakapatid," ani Yen sa kanyang viewers. Sa vlog, ikinuwento niya na marami na siyang nakikitang video online na nagsasabing may anak na kasi sila ng dating kilalang politician.

Read also

Reporter Izzy Lee, nag-react sa viral blooper niya habang nagre-report ukol sa baha

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sabi ko nga, hindi ko ugali kasi na mag-correct ng tao pero natanong mo na, yun talaga yun. Nakikita ko sa TikTok na nagkalat, na malaki na raw yung anak namin. Yes, malaki na siya, he's 11 years old, pero hindi po namin yun anak, kapatid ko po siya," paglilinaw pa ng aktres sa vlog.

Dagdag pa ni Yen, "Ang nakakatawa kasi is he's a good family friend. Ninong siya nung kapatid ko." Sa parehong vlog, binalikan din ni Yen kung paano nagsimula ang isyu noon pa man. "Nag-uumpisa pa lang ako mag-artista, yun agad yung isyu ko eh," aniya ng aktres sa mga fans.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Yen Santos ay isang Filipina actress at personalidad sa telebisyon. Unang nakilala si Yen sa Pinoy Big Brother: Teen Clash, at kalaunan ay naging bahagi ng Star Magic talent roster noong 2010. Ang kanyang breakout role ay sa seryeng Pure Love ng ABS-CBN, kung saan ginampanan niya si Ysabel Espiritu — isang pagganap na nakakuha ng malawak na pagkilala sa industriya. Simula noon, nakabuo na si Yen ng isang malawak na karera sa telebisyon at pelikula. Bida siya sa hit drama series na Halik bilang si Jacqueline Montefalco-Corpuz, at naging tampok rin sa mga pelikulang Northern Lights: A Journey to Love at A Faraway Land. Sa personal na buhay, si Yen ay dating karelasyon ng kanyang co-star na si Paolo Contis; ngunit sila ay naghiwalay noong 2024.

Read also

Xyriel Manabat sa pagiging ate niya: "Gusto ko na ang maaalala nila is family, hindi trauma"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi rin ni Yen Santos ang isang litrato. Sa Instagram, makikita si Yen na nagpo-pose para sa isang mirror selfie. Proud niyang tinawag ang magandang kuhang ito bilang kanyang "45 kg milestone photo." Matatandaang naging viral kamakailan si Yen matapos niyang isiwalat na minsan siyang nahirapan sa pagdagdag ng timbang.

Samantalang noong January, dumalo rin si Yen Santos sa isang party kasama ang ilang kapwa celebrities. Nagbahagi si Kira Balinger ng mga larawan mula sa event sa social media, partikular sa Instagram. Dumalo rin sina Ketchup Eusebio, Seth Fedelin, at iba pang mga artista sa nasabing salu-salo. Makikitang nag-enjoy ang grupo sa kanilang pagkikita, base sa caption ni Kira.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco