Zeinab Harake, nagsalita na tungkol sa "ma-attitude" comments ng netizens: "Please lang"

Zeinab Harake, nagsalita na tungkol sa "ma-attitude" comments ng netizens: "Please lang"

  • Nagsalita na si Zeinab Harake sa mga negative comments na kanyang natanggap nito lamang
  • Matatandaang isa si Zeinab sa mga rumampa sa fashion show ng designer na si Vee Tan
  • Agad na nag-viral sa social media ang video ng pagrampa na ito ni Zeinab sa nasabing event
  • Gayunpaman, may ibang netizens na tila hindi natuwa sa 'look' ni Zeinab sa fashion show

Si Zeinab Harake, isang kilalang YouTuber sa Pilipinas, ay nagsalita na sa wakas tungkol sa mga komento online na tumutukoy sa kanyang itsura habang rumarampa sa isang fashion show.

Nitong mga nakaraang araw, humanga ang kanyang mga avid fans matapos siyang makita na naglakad sa runway bilang isang 'bride muse' ni Vee Tan para sa bonggang fashion event nito.

Zeinab Harake, nagsalita na tungkol sa "ma-attitude" comments ng netizens: "Please lang"
Zeinab Harake, nagsalita na tungkol sa "ma-attitude" comments ng netizens: "Please lang" (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Suot ang isang bongga at dreamy na wedding gown, umani ng papuri si Zeinab mula sa maraming netizens. Gayunpaman, may ibang mga netizens sa social media na tila may ibang napansin kay Zeinab at hindi natuwa sa kanyang 'look' habang rumarampa sa entablado.

Dahil dito, piniling harapin ni Zeinab ang mga komentong ito sa pamamagitan ng isang Instagram story. Ayon sa content creator, may ilang nagsasabing mukha raw siyang "galit" o "ma-attitude" sa mga kuhang video at larawan na ngayon ay nag-viral na sa iba't-ibang platforms.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"PS: Dami ko nakikita sa FB and TikTok, galit daw ako, ma-attitude daw ang look ko. Huhu, ganun lang po ako tumingin kapag hindi ako naka-smile, wala akong issue kahit kanino. Please lang, wala akong magagawa kung ganyan mata ko," paliwanag ni Zeinab sa kanyang Instagram.

Ipinunto niya na natural lamang sa kanya ang ganoong tingin kapag seryoso, at walang ibig sabihin ito laban sa kahit kanino. Muling pinuri ng kanyang supporters ang kanyang pagiging totoo at prangka sa kabila ng mga hindi magagandang komento na kanyang natanggap.

Zeinab Harake, nagsalita na tungkol sa "ma-attitude" comments ng netizens: "Please lang"
Screenshot mula sa Instagram page ni @zeinab_harake
Source: Instagram

Si Zeinab Harake ay isang kilalang Filipino-Lebanese na YouTuber, actress, at social media influencer na kilala sa kanyang masiglang personalidad at nakakaaliw na content. Inilunsad ni Zeinab ang kanyang YouTube channel noong 2019 at agad siyang sumikat, at agad na naabot ang anim na milyong subscribers sa loob lamang ng unang taon. Noong December 2023, umabot na sa 13.9 milyon ang bilang ng kanyang subscribers. Kasama sa kanyang content ang mga lifestyle vlog, challenges, at mga collaboration kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya, na nagbibigay ng silip sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Pinalawak din ni Zeinab ang kanyang karera sa pag-arte nang siya ay mag-debut sa pelikula sa 2023 Metro Manila Film Festival horror entry na Kampon, kung saan nakasama niya lang naman sina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay napansin ng netizens ang tila sobrang daliri sa paa ni Zeinab Harake sa thumbnail ng kanyang camping vlog. Isang page ang nagbiro tungkol dito at agad namang sumagot si Zeinab. Inamin din niya na AI editor ang ginamit niya para sa nasabing vlog. Ibinahagi rin niya ang original na larawan nila bilang patunay na may glitch lamang sa edit.

Samantalang noong April ay pinasaya ni Zeinab Harake ang puso ng kanyang mga tagahanga sa pagdiriwang ng bagong milestone ni Zebbiana. Sa Instagram, nag-upload si Zeinab ng mga litrato mula sa isang studio shoot. Suot ang kanilang matching outfits, parehong napaka-cute tingnan ng mag-ina. Kalakip ng post ay isang taos-pusong mensahe na isinulat ni Zeinab para kay Zebbiana.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco