Jake Cuenca, sinagot ang tsismis na may veneers siya: "It’s so unfair"

Jake Cuenca, sinagot ang tsismis na may veneers siya: "It’s so unfair"

  • Mariing pinabulaanan ni Jake Cuenca ang mga kumakalat na tsismis na nagsasabing may veneers o ipinagawa siya sa kanyang ngipin, at iginiit niyang natural ang kanyang ngiti mula noon hanggang ngayon
  • Hinamon ng aktor ang mga media outlet at content creators na magdala ng isang lisensyadong dentista upang mapatunayan sa publiko na walang katotohanan ang mga espekulasyong iyon tungkol sa kanyang mga ngipin
  • Inilahad ni Jake ang kanyang pagkadismaya sa dami ng mga content sa social media na paulit-ulit na ginagamit ang kanyang ngipin bilang paksa, at sinabing handa siyang magsampa ng kaso kung magpapatuloy ang mga maling akusasyon
  • Ipinagdiinan ng aktor na sa loob ng 23 taon niya sa showbiz, hindi siya kailanman nagpa-retoke o sumailalim sa anumang cosmetic procedure, at ang itsura niya ngayon ay pareho pa rin sa panahong nagsimula siya sa programang ‘Click’

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi nagpatumpik-tumpik si Jake Cuenca sa pagdepensa sa sarili matapos siyang ulanin ng spekulasyon ukol sa umano’y veneers sa kanyang mga ngipin. Sa isang panayam na ibinahagi ng Cinema Bravo, mariin niyang pinabulaanan ang tsismis at sinabing handa siyang maghain ng legal na hakbang laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

Jake Cuenca, sinagot ang tsismis na may veneers siya: "It’s so unfair"
Jake Cuenca, sinagot ang tsismis na may veneers siya: "It’s so unfair"(📷@juancarloscuenca/IG)
Source: Instagram

“I challenge media outlets, lalo na the people making content about it, kasi it’s so unfair,” pahayag ni Jake. “I challenge any of them to bring a licensed dentist to check my teeth. You can confirm if my teeth are really veneers. If I’m right, I’m gonna take legal action.”

Ayon kay Jake, hindi na biro ang dami ng content na ginagawa tungkol sa kanyang ngipin. Tinawag niyang “unfair” at “damaging” ang paulit-ulit na spekulasyon na walang basehan.

“Ang dami n’yo nang content na ginawa tungkol dito,” aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Giit pa ng aktor, ni minsan ay hindi siya sumailalim sa anumang uri ng cosmetic enhancement o plastic surgery. Sa loob ng halos dalawampu’t tatlong taon sa industriya, pareho pa rin daw ang mukha’t ngipin na nakita ng publiko sa una niyang paglabas sa telebisyon.

“I want to make it clear, alright? In 23 years, I’ve never had plastic surgery done—nothing. This is still the same face you saw on ‘Click’, same teeth,” dagdag pa niya.

Si Jake Cuenca ay isa sa mga kilalang aktor sa Pilipinas na unang sumikat sa Kapuso teen-oriented show na Click noong early 2000s. Matapos nito, lumipat siya sa ABS-CBN kung saan lalong sumikat sa mga serye gaya ng Tayong Dalawa, Ikaw Lamang, at The Broken Marriage Vow. Maliban sa pagiging aktor, kilala rin siya bilang modelo at dating manlalaro ng football.

Sa isang viral na post, napansin ng netizens ang tila “photo switch” sa Instagram kung saan makikita si Chie Filomeno sa parehong lugar kung saan dating kasama ni Jake si Kylie Verzosa. Nagdulot ito ng espekulasyon sa estado ng relasyon ni Jake at Chie, lalo na’t matagal nang usap-usapan ang tungkol sa kanila.

Matapang na sinagot ni Jake Cuenca ang isang netizen na nagkomento ng “Anyare?” ukol sa umano’y pagbabago ng kanyang pangangatawan. Ani Jake, siya’y masaya at mas komportable na ngayon sa kanyang katawan, at piniling i-prioritize ang health at mental well-being kaysa sa pressure ng showbiz standards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: