Alvin Elchico, nagulat sa bagong kahulugan ng “bembang” mula sa Gen Z

Alvin Elchico, nagulat sa bagong kahulugan ng “bembang” mula sa Gen Z

  • Sa kanyang radio program na "Gising Pilipinas," biglang naging usap-usapan si Alvin Elchico matapos sigawing may sigla ang salitang “Bembang pa more!”
  • Ayon sa kanya, ang pagkakaalam niya sa “bembang” ay katumbas ng pagkagalit o pagkakasermonan, bagay na akma sa tono ng kanilang komentaryo sa programa
  • Ngunit ayon sa ilang netizens na mas kabataan, may implikasyong sekswal na raw ang salitang ito sa kasalukuyang henerasyon kaya’t agad siyang inulan ng reaksiyon at mga komento
  • Tinanggap naman ni Alvin ang reaksyon ng publiko nang may halong tawa at paalala na iba-iba ang interpretasyon ng wika depende sa edad, panahon, at kultura

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-viral ang batikang news anchor na si Alvin Elchico matapos ang isang masiglang on-air moment kung saan ginamit niya ang catchphrase na “Bembang pa more!” sa DZMM TeleRadyo program na Gising Pilipinas.

Alvin Elchico, nagulat sa bagong kahulugan ng “bembang” mula sa Gen Z
Alvin Elchico, nagulat sa bagong kahulugan ng “bembang” mula sa Gen Z (📷Alvin Elchico/Facebook)
Source: Facebook

Akala niya’y nakakatawang pahayag lamang ito na tumutukoy sa pagiging napagalitan o nabulabog—pero iba na pala ang kahulugan nito para sa kabataang netizens.

“Gising Pilipinas! Energy, energy! Bembang pa more!” ang sigaw niya, na agad nag-trending online. Marami sa mga Gen Z netizens ang nagkomento, sinasabing ang “bembang” ay may implikasyong sekswal sa kanilang konteksto. Hindi raw ito simpleng "napagalitan" kundi isa nang salitang may mas malalim at mas sensitibong kahulugan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Kinuyog pala ako ng mga kabataan dito. Iba pala ibig sabihin ng bembang sa mga batang ito!” kwento ni Alvin habang natatawa. Ipinaliwanag niyang para sa mga kaedad niya, partikular na ang 40 pataas, ang ibig sabihin ng bembang ay simpleng sermonan o galit. “Ang ibig sabihin sa amin, ‘pag nabembang ako eh, napagalitan ako nang todo,” dagdag pa niya.

Tinanggap naman ng news anchor ang pagkakaiba ng pananaw nang walang galit o paninisi. Ayon sa kanya, ito ay patunay na patuloy na umuunlad ang wika at na mahalaga rin ang pagiging mulat sa ganitong mga pagbabagong kultural. “Kailangan itong ipaliwanag dahil natural lang ang mga bagay na may temang sekswal,” aniya, pero hindi niya inakala na ganito na pala ang tingin ng kabataan sa salitang iyon.

Si Alvin Elchico ay isa sa mga iginagalang na broadcast journalist sa bansa. Kilala siya bilang host ng mga programang tulad ng Salamat Dok, TV Patrol Weekend, at Gising Pilipinas sa DZMM TeleRadyo. Sa mahigit dalawang dekada sa industriya, naging boses siya ng balita at komentaryo para sa masa, at kilala sa balanseng paraan ng paghahatid ng impormasyon. Ang kanyang propesyonalismo ay patuloy na nakikita, kahit sa mga situwasyong may halong aliw at aral.

Nagbigay linaw si Alvin sa naging viral na panayam kay Angel Locsin, kung saan may mga netizens na nagsabing tila naging masyadong matapang ang estilo ng kanyang pagtatanong. Ngunit ayon sa balita, parehong naging propesyonal ang dalawa at walang samaan ng loob na namagitan.

Sa isa pang ulat, inilahad ni Alvin na inamin niyang kinausap niya si Angel Locsin para masiguro na maayos ang dating ng kanyang mga tanong. Nagbigay siya ng respeto sa aktres at sa kanyang panig, lalo’t mainit ang isyung tinalakay nila sa panayam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate