Melai Cantiveros, naloka sa "rumored" news tungkol sa kanya: "Ngayon lang ako magcla-clarify ha"

Melai Cantiveros, naloka sa "rumored" news tungkol sa kanya: "Ngayon lang ako magcla-clarify ha"

  • Si Melai Cantiveros ay muling naging usap-usapan dahil sa kanyang Instagram post
  • Kamakailan lang ay may nilinaw kasi na "rumored" post ang aktres sa kanyang page
  • May nag-post kasi ng "rumor" na buntis si Melai at aalis na ang mister niya sa showbiz
  • Agad naman itong in-address ni Melai, na talaga namang kinaaliwan ng marami niyang fans

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Melai Cantiveros ay muling naging usap-usapan online matapos niyang linawin ang isang kumakalat na "rumored" news tungkol sa kanya at sa kanyang asawa na si Jason Francisco.

Melai Cantiveros, naloka sa "rumored" news tungkol sa kanya: "Ngayon lang ako magcla-clarify ha"
Photos: @ralphmiral, @mrandmrsfrancisco on Instagram
Source: Instagram

Sa isang Instagram post niya, ibinahagi ni Melai ang screenshot ng isang Facebook post kung saan sinabing siya ay buntis at ang kanyang asawa ay iiwan na ang mundo ng local showbiz.

Ang nasabing post ay may caption tungkol sa mag-asawa na pumukaw sa atensyon ni Melai: "RUMORED: May balitang buntis si PBB Grand Winner MELAI CANTIVEROS. Kasabay nito ang balita na ang nobyo niyang si JASON FRANCISCO ay iiwan na ang showbiz."

Agad namang nagbigay-linaw ang aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang post, nilinaw niyang hindi ganap na mali ang balita, ngunit ito ay matatawag na isang "late news" na. Ani Melai, akala niya raw kung ano na ang "rumored" na balita sa kanila, "Ngayon lang ako magcla-clarify ha, kasi di naman siya fake news pero 'OO' late news, mga 11 years ago na po siya, mga marites and tolits. Akala ko naman kung ano ang rumored. Happily married na po kami with two beautifully daughters Ate Mela and Baby Stela. Thank you, God."

Maraming netizens ang natuwa at natawa sa kanyang reaksyon, at sa pagiging kalmado niya sa ganoong klaseng tsismis kaya agad sila na nagpahayag ng suporta at aliw sa comment section.

Sa huli, malinaw ang mensahe ni Melai: matagal na silang masayang kasal ni Jason, at blessed sila ngayon ng dalawang anak na patuloy na kinaaaliwan ng kanilang mga fans at supporters.

Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' sa mundo ng lokal na showbiz at sila ay may dalawang anak na babae.

Sa nakaraang report ng KAMI ay muli na namang nagdala ng tawa online si Melai Cantiveros sa kanyang nakakaaliw na video sa Instagram. Ibinahagi kasi ni Melai ang nakakatuwang bersyon nila ni Jason Francisco ng kantang 'Palagi.' Sa kanyang caption, bahagya pang humingi ng paumanhin si Melai kina TJ Monterde at KZ Tandingan. Ang lalong nagpatawa pa nga sa mga netizen ay ang witty na reaksyon ni TJ sa cover ng MelaSon.

Samantalang, ipinagdiwang kamakailan lang ni Melai Cantiveros ang kanyang birthday noong April 6 sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at mensahe ng pasasalamat. Nagpasalamat siya sa Diyos para sa kanyang buhay at humiling ng patuloy na gabay at kapatawaran. Ang kanyang simpleng selebrasyon ay ginanap sa kanilang bahay at sinabayan ng pagsisimba kasama ang kanyang asawa at ang mga cute nilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco