Zeinab Harake, ibinahagi ang mga kaganapan sa bonggang kasalan nila ni Ray Parks Jr.
- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga kaganapan sa kasalan nila ni Ray Parks Jr.
- Matatandaang napabalitang noong Hunyo 1 ikinasal ang dalawa
- Sa naturang video, makikita rin ang listahan ng mga abay sa kanilang pag-iisang dibdib
- Una nang naibahagi ni Zeinab sa kanyang vlog ang pag-pack nila ng regalo sa bumubuo ng kanilang wedding entourage
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Makalipas ang ilang araw, ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga kaganapan sa pag-iisang dibdib nila ni Ray Parks Jr.

Source: Facebook
Ito na ang pinakahihintay ng kanilang followers lalo na at June 1 pa ikinasal ang dalawa at marami ang nasasabik na makita ang mga masasayang kaganapan doon.
Sa naturang video, makikita ang mga mahahalagang tao kina Zeinab at Ray gayung sinigurado nila na ang mga taong ito at makakasaksi ng kanilang pag-iisang dibdib.
Agaw eksena rin ang wedding gift ni Zeinab sa kanyang groom na labis naman ikinatuwa nito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala marami rin ang kapansin-kapansing naging emosyonal lalo na nang lumabas ang bride patungo sa kanyang groom na naghihintay sa kanya.
Ilan sa mga kilalang personalidad na nakitang dumalo sa kasalan nina "Mr. and Mrs. Parks" ay sina Chad Kinis, Loisa Andalio, Yassi Pressman, Andrea Brillantes, Toni Gonzaga kasama ang mister na si Paul Soriano.
Samantala, sa listahan mga abay nina Zeinab at Ray ilan sa mga principal sponsors,mapapansing kasama ang aktor na si Dingdong Dantes gayundin ang misis nitong si Marian Rivera.
Kitang-kita ang labis na kasiyahang hindi lamang ng bagong kasal kundi maging ng mga nakasaksi sa kanilang pagmamahalan hanggang sa magi silang "Mr. and Mrs. Parks"
Narito ang kabuuan ng nasabing video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:
Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 14.7 million subscribers sa kanyang channel. Matatandaang ex niya ang rapper na si Skusta Clee na siyang ama ng anak nilang si Bia. Bago pa man si Bia, hayagan nang nababanggit ni Zeinab ang pagdating sa buhay niya ng una niyang anak na si Lucas.
Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song' sa unang taon pa lang ng kanilang relasyon.
At nito lamang Hunyo 1, opisyal nang Mr. and Mrs. Parks ang basketbolistang si Ray Parks Jr. at sikat na content creator na si Zeinab Harake na nag-isang dibdib sa isang Christian wedding na ginanap sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay. Ayon sa ulat ng PEP.ph, limitado lamang ang bisita nina Zeinab at Ray na tila nakumpirma nga ni Zeinab sa kanyang 'Groomsmen at Bridesmaids gifts' vlog kung saan nasabi niyang strikto sila pagdating sa pagpili ng mga bisitang dadalo sa kanilang kasal. Gayunpaman, siniguro nilang ang lahat ng mga malalapit na tao sa kanilang buhay ang siyang makasasaksi ng napakahalagang araw na ito para sa kanila ng kanyang Daddy Ray.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh