T.G.I.S. cast, emosyonal sa reunion project sa gitna ng pagpanaw ni Red Sternberg

T.G.I.S. cast, emosyonal sa reunion project sa gitna ng pagpanaw ni Red Sternberg

- Kinumpirma nina Bobby Andrews, Angelu De Leon, at Michael Flores na may reunion project na ang T.G.I.S.

- Si Red Sternberg sana ang isa sa mga dapat na kasama sa proyekto bago siya pumanaw

- Matagal na raw itong napag-uusapan sa bawat pagkikita ng barkada at ngayong taon ay naging konkretong plano na ito

- Wala pa silang inilalabas na detalye pero sinigurong handa na ang logistics para sa pagbabalik ng iconic na barkada

Masaya ngunit may halong lungkot ang pagbabahagi ng T.G.I.S. cast tungkol sa kanilang nalalapit na reunion project. Sa panayam nina Bobby Andrews, Angelu De Leon, at Michael Flores sa programang Fast Talk with Boy Abunda, isiniwalat nila na matagal nang plano ang proyekto, at sa wakas, naisakatuparan na ang mga mahahalagang aspeto nito—mula logistics hanggang plano ng production.

T.G.I.S. cast, emosyonal sa reunion project sa gitna ng pagpanaw ni Red Sternberg
T.G.I.S. cast, emosyonal sa reunion project sa gitna ng pagpanaw ni Red Sternberg (📷@redsternberg/IG)
Source: Instagram

Ngunit masakit para sa grupo na hindi na nila makakasama ang isa sa mga original T.G.I.S. stars na si Red Sternberg, na pumanaw noong Mayo 27 dahil sa heart attack. Ayon kay Michael Flores, “Every year, lagi 'yan napag-uusapan. Every reunion, 'pag nagsama-sama kami… mabubuhay na naman ang mga fans.” Dagdag pa niya, “This time, mayroon na, e. Mayroon na talagang pinaplano at medyo nasa ilang percent na rin kami.”

Emosyonal din si Bobby Andrews nang sabihin: “Ayos na lahat ng logistics, lahat ng ano, everything—that was the reason why he was so excited to come home.” Ayon sa aktor, sabik na sabik si Red sa pagsasakatuparan ng reunion, ngunit hindi na siya umabot para makita ito. Bagamat wala pang inilalabas na opisyal na detalye, umaasa ang mga fans na magbabalik sa telebisyon o sa digital platforms ang isa sa pinaka-iconic na barkadahan ng dekada ’90.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang reunion ay bunga ng hindi matatawarang koneksyon ng cast sa isa’t isa, at ng patuloy na suporta mula sa kanilang fans. Para sa marami, hindi lang simpleng show ang T.G.I.S. kundi bahagi ng kanilang kabataan at alaala. Ang posibilidad ng pagbabalik ng tambalan nina Peachy, Wacks, Borj, at ng iba pa ay tunay na inaabangan.

Ang T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado) ay isang teen-oriented drama series na umere sa GMA Network noong mid-1990s. Tumatak ito sa puso ng mga manonood at nagsilbing launching pad para sa mga artista tulad nina Angelu De Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, Red Sternberg, at Kim Delos Santos. Ang tambalan nina Bobby at Angelu bilang Wacks at Peachy ay isa sa mga pinakasikat at hinangaan sa panahong iyon.

Matapos ang ilang dekada, nananatiling buhay sa puso ng fans ang T.G.I.S., at marami ang matagal nang naghihintay ng isang reunion project. Sa kabila ng pagkawala ni Red Sternberg, pinipilit ng cast na ituloy ang proyekto bilang paggunita at pagpupugay sa kanilang kaibigan.

Ipinahayag ni Kim Delos Santos ang kanyang matinding lungkot sa pagkawala ng kaibigang si Red Sternberg. Sa kanyang social media post, ibinahagi niya ang ilang alaala nila bilang magkatrabaho at magkaibigan noong T.G.I.S. days. Bumaha rin ng pakikiramay mula sa fans at mga dating kasamahan sa industriya.

Nagbigay rin ng tribute si Ogie Diaz kay Red Sternberg, kung saan ibinahagi niya ang kanilang huling palitan ng mensahe bago pumanaw ang aktor. Ayon kay Ogie, may mga plano si Red na bumalik sa showbiz at excited ito sa mga darating na proyekto. Nakakalungkot para sa mga kaibigan niyang hindi na ito natuloy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate