Lorna Tolentino, nilinaw ang kumalat na video na umano'y engagement kay Lito Lapid

Lorna Tolentino, nilinaw ang kumalat na video na umano'y engagement kay Lito Lapid

- Nilinaw ni Lorna Tolentino na ang viral video na umano’y engagement scene nila ni Lito Lapid ay bahagi lamang ng isang music video na gawa ng Star Music

-Sa mensaheng ipinadala ni Lorna kay Dindo Balares, sinabi niyang ang video ay mula sa kantang “Ang Love Story Ko” na inawit ni FANA at prinodyus ni Jamie Rivera

-Pinost ni Balares ang kanilang pag-uusap para mabigyang-linaw ang publiko at matigil ang mga maling haka-haka tungkol sa tunay na relasyon nina Lorna at Lito

- Matagal nang napapabalitang may espesyal na ugnayan sina Lorna Tolentino at Lito Lapid ngunit wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-viral kamakailan ang isang video clip nina Lorna Tolentino at Lito Lapid, kung saan tila’y nagpapalitan sila ng matamis na ngiti sa isang mala-engagement na tagpo. Dahil dito, maraming netizens ang napa-isip na baka engaged na nga ang dalawa.

Lorna Tolentino, nilinaw ang kumalat na video na umano'y engagement kay Lito Lapid
Lorna Tolentino, nilinaw ang kumalat na video na umano'y engagement kay Lito Lapid (📷Lorna Tolentino/Facebook)
Source: Facebook

Ngunit agad itong nilinaw ng beteranang aktres sa pamamagitan ng kanyang inaanak at entertainment editor na si Dindo Balares. Sa isang screenshot ng kanilang pag-uusap, sinabi ni Lorna:

“Hi Inaanak. Sa Star Music video po yan. Produced by Jamie Rivera. Singer po ay si Fana, title ng song ang Ang Love Story Ko. Nasa YouTube.”

Matapos nito, sinagot naman siya ni Dindo:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Thank you, Ninang! Ipo-post ko po para malaman ng public.”

Na sinundan ni Lorna ng, “Thank you so much. Hugs,” at sinagot muli ni Dindo ng, “The pleasure is mine, Ninang!”

Ang naturang eksena ay bahagi lamang pala ng isang music video, at hindi totoong engagement scene gaya ng pinaniniwalaan ng ilan sa social media. Ang video ay bahagi ng Ang Love Story Ko, isang awitin ni FANA na prinodyus ni Jamie Rivera sa ilalim ng Star Music.

Si Lorna Tolentino ay isa sa mga pinakarespetadong aktres sa bansa. Sa kanyang mahigit apat na dekada sa industriya, kilala siya sa kanyang husay sa drama at matitinding mga papel sa pelikula at telebisyon. Isa rin siya sa mga tinitingalang aktres ng kanyang henerasyon, na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa mga proyekto.

Samantala, si Lito Lapid, bukod sa pagiging action star, ay kilala rin bilang isa sa mga beteranong politiko sa bansa. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na matagal nang nauugnay ang pangalan ni Lorna kay Lito, ngunit hindi pa rin ito kumpirmado sa kabila ng mga patagong pagpapakita ng closeness ng dalawa.

Isa sa mga highlight ng personal na buhay ni Lorna Tolentino nitong taon ay ang pag-iisang dibdib ng kanyang anak na si Renz Fernandez kay Jef Gaitan. Isang ceremony ang ginanap kung saan masisilayan ang kaligayahan ng buong pamilya. Ibinahagi rin sa social media ang ilang larawan mula sa wedding na umani ng maraming congratulatory messages.

Sa isang episode ng talk show, muling pinainit ni John Estrada ang diskusyon nang tanungin si Lorna Tolentino ng isang mapanlikhang tanong tungkol sa pag-ibig. Sagot ni Lorna, may mga pagkakataon talaga na kahit mali, ipinaglalaban pa rin ng puso ang nararamdaman. Muli, pinatunayan ng aktres na malalim ang kanyang pananaw pagdating sa pag-ibig at relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate