Mayeth Malca, pinatattoo ang sulat-kamay ni Ricky Davao bilang alaala sa yumaong nobyo
-Pina-tattoo ni Mayeth Malca ang sulat-kamay ni Ricky Davao at kanilang initials sa kanyang kamay
-Ibinahagi niya sa social media ang emosyonal na tribute matapos ang pagpanaw ng aktor
-Inalala niya ang lakas at tapang ni Ricky habang nilalabanan ang cancer
-Marami ang naantig at nagpaabot ng pakikiramay sa kanyang mensahe ng pagmamahal at pagluluksa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang emosyonal at taos-pusong tribute ang ibinahagi ni Mayeth Malca, nobya ng yumaong aktor at direktor na si Ricky Davao, matapos nitong ipakita sa social media ang tattoo ng sulat-kamay ni Ricky sa kanyang kamay.

Source: Instagram
Bukod dito, pina-ink din niya ang kanilang initials na “r” at “m” bilang simbolo ng kanilang hindi matitinag na pagmamahalan.
“My Bubba’s handwriting inked on me forever. Same with our first names’ initials, r and m. Mahal kita, Ricky, sobra sobra. Miss na kita,” saad ni Malca sa kanyang caption sa Instagram post na agad nag-viral at umani ng pakikiramay at suporta mula sa netizens at mga kaibigan sa industriya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang pumanaw si Ricky Davao kamakailan dahil sa sakit na cancer, na matagal niyang nilabanan sa piling ni Malca. Sa isang mas mahabang post, buong tapang na ibinahagi ni Malca kung paanong sa bawat araw ay naging saksi siya sa tibay at tapang ni Ricky sa gitna ng kanyang karamdaman. “You were the bravest and strongest person I have ever known. From the very beginning up to your last breath, I saw how fiercely you fought,” sabi niya.
Hindi rin pinalampas ni Malca ang pagkakataon na pasalamatan si Ricky sa lahat ng pagmamahal nito. Inalala niya ang madalas na tanong ng aktor tuwing gabi, “Are you tired na?” na lagi niyang sinasagot ng “I will never get tired of taking care of you—because we are in this journey together.” Sa parehong post, inamin din ni Malca ang lalim ng kanyang lungkot: “I lied when I told you I'd be okay. I lied when I said I'd be strong. Because the truth is, life doesn't feel right without you.”
Ang ganitong klaseng pagbubukas ng damdamin ay umantig sa puso ng maraming netizens. Hindi naiwasan ng ilan na mapaluha sa sinseridad ng kanyang mga salita at sa desisyong ilagay sa kanyang balat ang isang permanenteng paalala ng pagmamahal nila ni Ricky. “There's an emptiness now that nothing can fill. And I miss you more than words will ever be able to express,” dagdag pa niya.
Si Ricky Davao ay isa sa mga iginagalang na aktor at direktor sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Sa kanyang higit tatlong dekadang karera, kinilala siya sa husay sa drama, pagkakaroon ng depth bilang character actor, at sa direksyon ng de-kalibreng teleserye at pelikula. Sa kabila ng kasikatan, nanatili siyang pribado sa ilang aspeto ng kanyang personal na buhay, lalo na pagdating sa kanyang relasyon kay Mayeth Malca.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang emosyon sa pagkawala ni Ricky Davao at kung gaano niya nami-miss ang presensya ng kaibigan. Aniya, si Ricky ay hindi lang isang mahusay na aktor kundi isang taong maaasahan sa personal na buhay.
Samantala, emosyonal na inanunsyo ni Ara Davao, anak ni Ricky, ang pagpanaw ng kanyang ama sa pamamagitan ng isang heartfelt post sa social media. Inilarawan niya ang kanyang ama bilang isang haligi ng kanilang pamilya at isang tunay na mandirigma sa laban nito sa sakit.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh