Ara Davao, emosyonal na inanunsyo ang pagpanaw ng ama na si Ricky Davao
-Kinumpirma ni Ara Davao ang pagpanaw ng kanyang ama na si Ricky Davao sa isang emosyonal na pahayag
-Sumakabilang-buhay si Ricky Davao habang kasama ang kanyang mga anak at mahal sa buhay
-Higit apat na dekada siyang nagbigay-buhay sa pelikula, telebisyon, at teatro sa bansa
-Ibinahagi ng pamilya na ibabalita pa lamang ang mga detalye ng memorial service
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang malungkot na balita ang bumungad sa mundo ng showbiz matapos ianunsyo ng anak ni Ricky Davao na si Ara Davao ang pagpanaw ng kanilang ama. Sa isang emosyonal na pahayag, sinabi ni Ara: “It is with great sadness that we announce the passing of our beloved father, Ricky Davao. He passed away peacefully, surrounded by his children and loved ones, after bravely facing complications related to cancer.”

Source: Instagram
Matapang na hinarap ni Ricky Davao ang laban kontra cancer, ngunit sa huli’y namaalam siya habang kapiling ang kanyang pamilya. Isa siya sa mga pinakarespeto at hinahangaang aktor sa industriya, at kilala hindi lamang sa husay sa pag-arte kundi pati na rin sa direksyon.
Dagdag pa ni Ara: “For more than four decades, he dedicated his life to the craft of acting and directing. His remarkable body of work and award-winning performances have left a lasting legacy that will continue to inspire. Most of all he was a loving father, brother, son, and friend.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa ngayon, humihingi ng pag-unawa at panalangin ang pamilya habang dumaraan sila sa panahon ng pagdadalamhati. “We are deeply grateful for your prayers, love, and kind messages during this difficult time. Details about his memorial service will be shared soon,” ayon pa sa opisyal na pahayag.
Sa kanyang Instagram story, binahagi niya ang picture ng kanyang ama at ng kanyang lola na si Pilita Corrales na pumanaw din kamakailan lamang.
Bumuhos ang pakikiramay at pagmamahal mula sa mga kasamahan sa industriya nang inanunsyo ni Ara Davao ang pagpanaw ng kanyang ama na si Ricky Davao. Isa sa mga unang nagkomento ay ang Megastar na si Sharon Cuneta na kilalang malapit sa pamilya. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sharon:
“Oh, sweetheart…I am so sorry…Our deepest condolences to you, Ken, Rikki and Mama…You’ve been going through so much and have lost loved ones one after another…I am praying for you. I love you anak. Hug Mama and your sibs for me please.”
Emosyonal at puno ng pagmamahal ang mensahe ni Sharon, na halatang inaalala hindi lang si Ricky kundi pati ang pinagdaraanang sakit ni Ara at ng buong pamilya Davao.
Nagpaabot din ng simpatiya ang dancer-host na si Teddy Corpus:
“Condolence to you and your whole fam Ara.”
Sumunod naman si Mavy Legaspi, anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, na nagsabing:
“my deepest condolences to you and your family.”
Si Ricky Davao ay isa sa mga haligi ng Philippine entertainment industry. Mula dekada '80 hanggang sa kasalukuyan, hinangaan siya sa mga pelikula’t teleseryeng tumatak sa puso ng mga manonood, gaya ng “Minsan Lang Kita Iibigin,” “Magpakailanman,” at “Mga Munting Tinig.” Bukod sa pagiging aktor, pinasok din niya ang mundo ng direksyon at naging aktibo sa teatro.
Noong Abril 2022, naging bukas si Jackie Lou Blanco sa posibilidad na magbalikan sila ni Ricky Davao. Sa ulat ng KAMI, sinabi niyang hindi isinasara ang kanyang puso kung darating man ang pagkakataon. Ayon sa kanya: “Wala naman akong isinasaradong pinto. Kung may darating, why not?” Dagdag pa niya, nanatili silang mabuting magkaibigan at maayos ang kanilang relasyon bilang magulang.
Noong Hulyo 2023, tila nanghinayang naman si Jackie Lou sa naging wakas ng kanilang relasyon. Ayon sa kanya, “Sayang, kasi maganda sana kung natutunan naming ayusin pa lalo.” Bagama’t matagal na silang hiwalay, hindi raw nawawala sa kanya ang mga alaala ng kanilang samahan bilang mag-asawa at bilang magkaibigan. Aniya, bahagi pa rin ng kanyang buhay si Ricky kahit wala na sila bilang mag-partner.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh