Anne Curtis, umapela sa gobyerno matapos ang trahedya sa NAIA: “Wake up call na sana ito”
-Nagpahayag ng matinding lungkot si Anne Curtis sa serye ng malalagim na aksidente sa kalsada
-Inialay niya ang kanyang panalangin para sa mga pamilya ng mga nasawi sa NAIA incident
-Nanawagan siya sa mga ahensya tulad ng LTO at DOTR na tiyakin ang mas mahigpit na seguridad sa lisensiya at mga sasakyan
-Naging emosyonal si Anne sa kanyang mensahe at umaasang hindi na ito maulit pa sa iba
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isa si Anne Curtis sa mga celebrity na hindi napigilang maglabas ng damdamin kasunod ng trahedyang nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kung saan dalawang tao ang nasawi matapos araruhin ng isang SUV ang departure entrance nitong nakaraang Linggo.

Source: Instagram
Sa isang post, ipinahayag ni Anne ang kanyang pagkabigla, pagdadalamhati, at panawagan para sa mas maayos at ligtas na sistema ng transportasyon sa bansa.
“Seeing so many vehicle accidents on the news with lives tragically taken. So many young lives being taken away so soon. I truly pray and hope this is a wake up call for those in the DTO and LTO to find ways to ensure that drivers and vehicles on the roads meet the highest safety and licensing standards,” saad ng aktres. “My heart goes out to all those left to grieve for their parents, significant other, family member and their children🙁,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang naturang aksidente ay nangyari bandang 8:50 ng umaga kung saan isang SUV ang nawalan umano ng kontrol at sumalpok sa mga taong nasa departure area ng NAIA Terminal 1. Batay sa ulat ng Philippine Red Cross, dalawa ang namatay kabilang ang isang apat na taong gulang na batang babae, habang apat ang nasugatan. Sa kasalukuyan, hawak na ng Philippine National Police ang driver ng SUV at iniimbestigahan na ang insidente.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-panic ang driver matapos may sumingit na sasakyan sa kanyang daraanan, dahilan para aksidenteng maapakan nito ang gas imbes na preno. Samantala, sinabi ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) na sasagutin ni Ramon S. Ang ang lahat ng gastusin para sa mga nasugatan, gayundin ang ayuda sa mga pamilya ng nasawi. “Our priority now is to make sure the victims and their families receive the support and care they need,” pahayag ni Ang.
Samantala, naglabas na ng preventive suspension ang Land Transportation Office (LTO) sa lisensiya ng driver, na tatagal ng 90 araw habang isinasagawa ang imbestigasyon. Naglabas na rin sila ng show cause order sa driver at sa rehistradong may-ari ng sasakyan.
Si Anne Curtis ay isa sa pinakakilalang personalidad sa larangan ng telebisyon, pelikula, at social media sa Pilipinas. Bukod sa kanyang matagumpay na karera bilang aktres, host, at singer, aktibo rin siya sa mga adbokasiyang pangkabataan at kalikasan. Kilala si Anne sa kanyang matibay na paninindigan sa mga isyung panlipunan at hindi rin siya natatakot maglabas ng kanyang opinyon sa mga importanteng usapin, lalo na kung may kinalaman ito sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Matapos ang matinding aksidente sa NAIA Terminal 1, agad na inilipat sa St. Luke’s Medical Center ang mga sugatang biktima upang mabigyan ng mas mahusay na atensyon medikal. Ayon sa ulat, nagpadala ang Philippine Red Cross ng limang ambulansya at 18 volunteers sa lugar ng insidente. Tiniyak ng mga kinauukulan na mabibigyan ng sapat na suporta ang mga nasugatan habang patuloy ang imbestigasyon.
Naglabas ng pahayag ang Department of Transportation (DOTr) na posibleng may "premeditated intent" ang driver ng SUV sa aksidente sa NAIA. Bagama’t nasa imbestigasyon pa rin ang insidente, binibigyang pansin ng ahensya ang posibilidad na hindi simpleng aksidente ito. Ayon sa DOTr, patuloy nilang tututukan ang kaso upang masiguro ang hustisya para sa mga biktima.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh