Lotlot de Leon, emosyonal na nagpasalamat sa mga nakiramay sa kanilang pamilya
- Emosyonal na nagpasalamat si Lotlot de Leon sa lahat ng mga nakiramay sa kanilang pamilya
- Ipinaliwanag din ni Lotlot na napagkasunduan nilang magkakapatid na ang unang araw ng burol ay nakalaan lamang muna sa kanila
- Ibinahagi rin ni Lotlot ang kabutihan ng ina lalo na ang pagiging mapagbigay nito sa anumang aspeto
- Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng tinaguriang Superstar ng Pilipinas noong April 16
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi napigilang maging emosyonal ni Lotlot de Leon nang makapanayam ng press kung saan nagpasalamat siya sa mga taong nakiramay sa kanilang pamilya sa pagpanaw ng kanyang inang si Nora Aunor.

Source: Facebook
Ibinahagi ng ABS-CBN ang naging pahayag ni Lotlot na inalala rin ang kabutihan ng nag-iisang "Superstar."
"All her life she's devoted to the public, to her work. So 'yun lang po yung kahapon, sabi naming magkakapatid, kahit ilang araw sa amin lang siya," ani Lotlot.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"So, but, as I said again, we're very grateful for everyone [Sorry] We're grateful to everyone for loving her, for honoring her. And for the love. Actually lahat po ng nagpapadala ng condolences and their greetings, we really appreciate that. Sa kanila din po kami kumukuha ng lakas," ang naiiyak niyang nasabi.
Maging ang pagiging mapagbigay ni "Ate Guy" ay inalala ni Lotlot na siyang dahilan umano bakit marami ang nagmamahal sa kanyang ina.
"A lot of people can testify my mom's generosity. Hindi lang sa craft niya, kung hindi sa lahat ng bagay. And that's why, she's really loved by plenty. 'Yung pagiging genuine niya, and malambing sa lahat. The way she helps others also, walang kwestyon 'yun."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Nora Aunor ay isang multi-awarded actress, singer, at producer na kinilala bilang “Superstar” ng industriya ng showbiz sa Pilipinas. Siya ay pinarangalan bilang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022. Sa kanyang mahigit limang dekadang karera, nakatanggap siya ng mga pagkilala mula sa loob at labas ng bansa, at itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na artista sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nito lamang Abril 16, gumulantang sa publiko ang balitang pumanaw na ang nag-iisang "Superstar." Makalipas ang isang araw, nilinaw ng anak nitong si Ian De Leon ang umano'y dahilan ng pagkamatay ng ina, taliwas sa mga kumakalat umano na naganap ito habang siya ay inooperahan.

Read also
Vilma Santos, nagpahayag ng malungkot na mensahe sa pagpanaw ni Nora Aunor: "Rest in peace, Mare"
Samantala, ibinahagi naman ni Lotlot de Leon, isa pang anak ng Superstar na ang burol ng kanyang ina ay gaganapin sa The Chapels at Heritage Park, na may pribadong viewing para sa pamilya at kaibigan sa Abril 17, 18, at 21, habang ang pampublikong viewing ay sa Abril 19 at 20. Ang libing ay nakatakda sa Abril 22 sa Libingan ng mga Bayani. Hindi lamang kasi mga kaanak, kaibigan at mga nakatrabaho ni "Ate Guy" ang nangulila sa kanya kundi maging ng kanyang mga fans na kung tawagin ay "Noranians" ay labis na nakikidalamhati sa pagkamatay ng kanilang idolo sa edad na 71. Bukod kina Lotlot at Ian, labis din ngayong nangungulila ang isa pang anak ng Superstar, ang aktres na si Matet de Leon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh