Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad

Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad

- Ipinaliwanag ni Maricel Soriano sa kanyang YouTube video ang dahilan ng pag-ika niya sa paglalakad

- Inamin niyang may arthritis siya sa gulugod at pinched nerve na nagdudulot ng pamamanhid at sakit

- Nabanggit na matagal tumalab ang ininject na steroids kaya't patuloy ang kanyang pag-ika

- Sinusuri pa ang iba pang opsyon sa paggamot ngunit bukas siya sa posibilidad ng operasyon

Maraming netizens ang nag-aalala para sa kalusugan ng beteranang aktres na si Maricel Soriano matapos lumabas sa social media ang mga video ng kanyang 60th birthday celebration kung saan kapansin-pansin ang hirap niya sa paglalakad.

Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad
Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad (📷Maricel Soriano/YouTube)
Source: Youtube

Makikita sa mga kuhang video na inaakay siya ng dalawang tao habang papasok sa venue ng kanyang engrandeng selebrasyon. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko ang kondisyon ni Maricel, na naging dahilan ng mga espekulasyon at tanong ukol sa tunay niyang kalagayan.

Sa kanyang YouTube channel, nilinaw ng Diamond Star ang dahilan ng kanyang paghina at hirap sa paggalaw. Ayon kay Maricel, mayroon siyang arthritis sa kanyang gulugod na umaabot pa hanggang leeg.

Read also

Mensahe ni Marjorie Barretto sa Mga Anak: "I'm so sorry I chose wrong"

Ito raw ang unang pagkakataon na naranasan niya ang ganitong sakit, at agad siyang nakaranas ng matinding pananakit na kinakailangang lunasan sa pamamagitan ng iniksyon sa kanyang likod. “’Yung spine ko, may arthritis, hanggang leeg ko. Tapos, yung first, na-experience ko ito, in-injectionan ako sa likod,” pahayag ni Maricel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, inamin niyang hindi naging madali ang proseso ng paggaling. Aniya, inabot ng mahabang panahon bago niya naramdaman ang epekto ng steroid na ini-inject sa kanya.

Dahil dito, patuloy pa rin siyang nanginginig at iika-ikang maglakad. Bukod sa arthritis, sinabi rin ng aktres na mayroon siyang pinched nerve at ang kanyang mga paa ay nakararanas ng pamamanhid at tila ba tinutusok ng maliliit na karayom. “On top of it, may pinched nerve ako,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ng aktres na minana niya ang kanyang kondisyon, kaya’t hindi ito basta-bastang maiiwasan. Gayunpaman, nilinaw ni Maricel na may lunas ang kanyang nararanasan at nananatili siyang positibo sa kanyang laban.

Read also

Mga taga-Minglanilla, Cebu, nabahala sa martsa ng mga nakaitim na Foreigners

Isa sa mga inirekomenda ng kanyang doktor ay ang pagsailalim sa operasyon upang tuluyang maibsan ang sakit, ngunit ayon kay Maricel, pinag-aaralan pa nila ang posibilidad ng iba pang treatment options.

“Siyempre, nakatikim na ako ng caesarian, di ba? An operation is not a joke, di ba? That’s why ako, parang gusto ko rin, ma-introduce din ako dun sa ibang anggulo para gumaling ako. Saka kaya ko ito,” matapang na pahayag ni Maricel.

Sa kabila ng kanyang nararamdaman, kitang-kita pa rin ang lakas ng loob at determinasyon ni Maricel Soriano na malampasan ang kanyang sakit. Sa comment section ng kanyang video, bumuhos ang mensahe ng suporta at panalangin mula sa kanyang mga tagahanga. Marami ang humanga sa kanyang pagiging bukas sa publiko ukol sa kanyang kalagayan at sa kanyang determinasyong magpatuloy sa kabila ng lahat.

Si Maricel Soriano, kilala bilang Diamond Star ng Philippine entertainment industry, ay isa sa pinakarespetadong aktres sa bansa. Sa mahigit apat na dekada ng kanyang karera, pinatunayan na niya ang kanyang husay sa drama, comedy, at iba’t ibang genre ng pag-arte. Kilala siya hindi lamang sa kanyang talento kundi maging sa kanyang pagiging totoo, palaban, at mapagmahal sa kanyang mga tagahanga.

Read also

3 anyos na batang babae, patay matapos mahulog mula Ika-16 na palapag ng condominium sa Malate

Maricel Soriano, ipinasilip ang mga artistang bumati sa kanyang 60th birthday.

Sinorpresa naman ng mga fans si Maricel sa kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate