Toni Fowler, binahagi ang pinakamalaking leksyon na kanyang natutunan sa pag-ibig

Toni Fowler, binahagi ang pinakamalaking leksyon na kanyang natutunan sa pag-ibig

- Ibinahagi ni Toni Fowler ang mga natutunan niya mula sa kanyang mga ex-boyfriend sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda

- Isa sa mga leksyon na sinabi niya ay ang pag-iwas sa pagko-comfort sa taong bagong hiwalay

- Inamin niyang naging sila ni Jon Gutierrez noong 2016 ngunit nilinaw na hindi sila muling nagkabalikan

- Masaya ngayon si Toni sa piling ng kanyang partner na si Tito Vince at may anak na silang si Tyronne Valentine

Nagpakatotoo ang kontrobersyal na vlogger at content creator na si Toni Fowler sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, April 8, kung saan isa-isang inilahad ng influencer ang mga mahahalagang aral na nakuha niya mula sa kanyang mga dating karelasyon — kabilang na ang rapper at Ex Battalion member na si Jon Gutierrez o mas kilala bilang King Badger.

Toni Fowler, binahagi ang pinakamalaking leksyon na kanyang natutunan sa pag-ibig
Toni Fowler, binahagi ang pinakamalaking leksyon na kanyang natutunan sa pag-ibig (📷Fast Talk with Boy Abunda/GMA Network ∣ YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Toni, isa sa mga pinakamalaking leksyon na kanyang natutunan ay ang pag-iwas sa pagko-comfort sa taong bagong hiwalay. Aniya,

Read also

Toni Fowler sa relasyon sa ina: "Mas pipiliin kong maging magulang kaysa maging anak muna"

“Natutunan ko do'n na, number one, tulad ng sinasabi ko sa kanila palagi, 'wag ka magko-comfort ng bagong break up.’”

Matatandaang nadawit noon ang pangalan ni Toni sa kontrobersyal na hiwalayan nina Jon at Jelai Andres ilang buwan lamang matapos silang ikasal noong 2018. Inamin ni Toni na naging sila ni Jon noong 2016, ngunit sa isang Facebook Live video ni Mommy Oni noong Marso 23, 2019, nilinaw nito na hindi na muling nagkabalikan sina Toni at Jon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Toni, “Number two, 'wag kang maging dahilan ng ikakasakit ng puso ng isa pang babae kasi kakarmahin ka talaga. 'Di lang din sa karma, mali 'yun...magulo siya.”

Bukod pa rito, napagtanto rin daw niya na hindi palaging pag-ibig ang ibinibigay na atensyon ng isang tao.

“Akala ko kasi kapag may attention na binibigay sa 'kin, love 'yun,” saad ni Toni.

Sa kasalukuyan, masaya ang puso ni Toni sa piling ng kanyang partner na si Vince Flores, o mas kilala sa social media bilang Tito Vince. May anak na silang si Tyronne Valentine, na isinilang ni Mommy Oni noong Nobyembre 2024.

Read also

Kylie Padilla, aminadong nanghinayang sa kanyang Encantadia role

Samantala, ang panganay ni Toni na si Tyronia, 13 anyos, ay anak niya sa dating nobyong si Aaron Manalo.

Si Toni Fowler, mas kilala bilang Toni Fowler, ay isang kilalang social media personality, aktres, at rapper sa Pilipinas. Ipinanganak noong Hulyo 22, 1993, si Toni ay nakilala sa kanyang pagiging bukas at prangka sa kanyang mga vlog at iba pang content sa social media. Bukod sa kanyang online presence, lumabas din siya sa telebisyon, kabilang ang pagganap bilang Chicky sa seryeng FPJ's Batang Quiapo. Mayroon siyang dalawang anak: isang anak na babae mula sa naunang relasyon at isang anak na lalaki na isinilang noong Disyembre 2024 kasama ang kanyang kasalukuyang partner na si Vince Flores.

Matapos manganak, ibinahagi ni Toni Fowler ang isang video kung saan ipinakita niya ang kanyang postpartum body at isang malapitan na pagtingin sa kanyang bagong silang na anak na si Tyronne. Maraming netizens ang humanga sa kanyang pagiging totoo at bukas sa pagpapakita ng realidad ng pagiging ina.

Read also

Kris Aquino, ibinahagi ang pagpapalit ng kanyang PICC Line

Sa pagdiriwang ng Halloween, nagbihis si Toni Fowler bilang Jollibee, isang iconic na karakter sa Pilipinas. Ang kanyang nakakatuwang costume ay nagpasaya sa maraming netizens at umani ng positibong komento sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate