Kylie Padilla, inaming hindi pa siya handa noong nagpakasal: "I didn't really believe in marriage"
- Inamin ni Kylie Padilla na hindi pa siya handa na magpakasal noong panahon ng kanilang kasal
- Sinabi niya na ginawa lamang nila ang kasal upang mapasaya ang ibang tao
- Napagtanto niyang hindi na maayos ang kanilang pagsasama noong panahon ng pandemya
- Napatawad niya ang sarili sa kanilang failed marriage habang nasa Taiwan nitong Enero
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ilang taon matapos ang kanilang paghihiwalay, muling binalikan ni Kylie Padilla ang masakit na yugto ng kanyang buhay pag-ibig sa pamamagitan ng isang panayam sa online talkshow ni BB Gandanghari na BB. talk sa YouTube.

Source: Instagram
Sa naturang episode, inamin ni Kylie na hindi pa siya ganap na handa noon sa pag-aasawa at ginawa lamang nila ito para mapasaya ang iba. “I wasn't ready to get married kasi I didn't really believe in marriage. But to make everyone else happy, we got married,” pahayag ng aktres.
Ipinahayag din ni Kylie na mas gusto sana niyang palalimin muna ang kanilang relasyon bilang magulang ng kanilang anak bago magpakasal. Ayon sa kanya, batid niyang mas malalim ang responsibilidad ng isang kasal, lalo na sa panahong dumarating ang pagsubok. “It's that you really have to go through everything together, even worse, in sickness and health… When I was married, I didn't feel that part," dagdag pa niya.
Aminado rin si Kylie na noong panahon ng pandemya niya unang napagtanto na hindi na gumagana ang kanilang pagsasama. Ngunit nitong Enero lamang daw niya tuluyang napatawad ang sarili sa nangyaring kabiguan sa kanilang relasyon, habang namamasyal sila ni BB Gandanghari sa Taiwan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang ikinasal si Kylie noong 2018 at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki—sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Sa kabila ng lahat, umaasa si Kylie na patuloy nilang mapapalaking maayos ang kanilang mga anak.
Si Kylie Nicole Sicangco Padilla ay isang kilalang aktres at modelo sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Enero 25, 1993, sa Calatagan, Batangas, bilang anak ng mga aktor na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco. Sa kanyang murang edad, nag-aral siya ng elementarya sa Queensland, Australia. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa telebisyon, partikular bilang Sang'gre Amihan sa seryeng "Encantadia" noong 2016. Ikinasal siya sa aktor na si Aljur Abrenica noong 2018, at biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Noong Hulyo 2021, kinumpirma ni Kylie ang kanilang paghihiwalay ni Aljur at ngayon ay nasa co-parenting setup para sa kanilang mga anak.
Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.
Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh