Kris Aquino, aminadong hindi pa rin nalalampasan ang pagkalungkot sa hiwalay kay Dr. Mike Padlan

Kris Aquino, aminadong hindi pa rin nalalampasan ang pagkalungkot sa hiwalay kay Dr. Mike Padlan

- Inamin ni Kris Aquino na patuloy siyang nakararamdam ng lungkot at pangungulila matapos ang hiwalayan nila ni Dr. Mike Padlan

- Ikinuwento niya na nagsimula ang kanilang relasyon sa isang long-distance courtship gamit ang WhatsApp at siya ang higit na nagmahal

- Napansin niya ang unti-unting paglayo ni Dr. Padlan habang lumalala ang kanyang kondisyon ngunit pinili niyang manatiling positibo

- Sa kabila ng sakit ng paghihiwalay, mas pinili niyang alalahanin ang masasayang alaala kaysa sa pait ng kanilang naging pagtatapos

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang emosyonal na Instagram post, inamin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na patuloy siyang nakikibaka sa lungkot at pangungulila matapos ang kanyang paghihiwalay kay Dr. Mike Padlan. Ayon kay Kris, bagama't nasaktan siya sa naging pagtatapos ng kanilang relasyon, pinili niyang alalahanin ang masasayang alaala sa halip na ang sakit ng kanilang paghihiwalay.

Kris Aquino, aminadong hindi pa rin nalalampasan ang pagkalungkot sa hiwalay kay Dr. Mike Padlan
Kris Aquino, aminadong hindi pa rin nalalampasan ang pagkalungkot sa hiwalay kay Dr. Mike Padlan (📷@krisaquino/IG)
Source: Instagram

"Ours was a different kind of courtship," ani Kris, na ikinuwento ang kanilang long-distance relationship sa pamamagitan ng WhatsApp. Isang doktor si Padlan na tumulong sa kanya sa gitna ng kanyang matinding sakit. Inamin ni Kris na siya ang higit na umasa at nagmahal sa kanilang relasyon.

Read also

Arnel Pineda, biktima ng fake news tungkol sa habambuhay na pagkakulong

Long Distance Relationship via WhatsApp, we were in Orange County, California so technically he was no longer a doctor. In him i saw what i had been looking for- someone i could discuss my medical issues with- my feeling of fatigue, my lack of balance, my suffering from suddenly getting dizzy then collapsing, the significance of my blood draw results, especially my alarmingly low hemoglobin, the bones jutting out of my knee, and why had my taste buds changed, everything by Thanksgiving of 2023-tasted very salty.

Gayunpaman, hindi niya itinangging ramdam niya ang paglayo ni Dr. Padlan sa gitna ng kanyang lumalalang kondisyon. Sa kabila nito, pinili niyang manatiling positibo at patuloy na lumaban sa kanyang karamdaman, isang paninindigang isinasabuhay niya sa kanyang mga tagasubaybay sa social media.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay ng update si Kris Aquino tungkol sa kanyang personal na buhay, partikular na sa kanyang relasyon kay Dr. Mike. Aniya, sinubukan nilang ayusin ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng personal na pagsisikap tungo sa kapayapaan.

Read also

Goldilocks, nagsalita matapos ang reklamo ng customer na tagasuporta ni FPRRD

Ayon kay Kris, malaking bahagi ng kanilang pagkakasundo ay dahil sa Ate ni Doc Mike na si Judith, na kanyang inilarawan bilang isang mabait at maka-Diyos na babae. Pinuri rin niya ang bunsong kapatid nito na si Leah, na aniya’y paborito ni Doc Mike.

Bukod dito, ibinahagi rin ng aktres ang ilang detalye tungkol sa mga pagkaing dinala sa kanya ng doktor, kabilang ang paborito niyang organic milk para sa mga batang lumalaki at Velveeta cheese slices. Gayunpaman, aksidenteng nadala ni Doc Mike ang chewable medicine na para sa kanya, ngunit agad naman itong nasundo noong Biyernes.

"An update: doc mike & i tried to give PEACE personal effort. In large part i believe because of his Ate Judith, a genuinely kind, fair minded, God fearing woman and his youngest sister, his favorite-Leah

​Si Kristina Bernadette "Kris" Cojuangco Aquino ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas, na tinaguriang "Queen of All Media" dahil sa kanyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media. Ipinanganak siya noong Pebrero 14, 1971, sa Quezon City, bilang bunsong anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. Bukod sa pagiging host at aktres, kilala rin si Kris bilang isang negosyante at product endorser. ​

Read also

Ai-ai Delas Alas, umaming tinuring na maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kris ang kanyang kasalukuyang kalagayan sa kalusugan. Ibinunyag niya na dumating siya sa ibang bansa na may tatlong na-diagnose na kondisyon, at nadiskubre pa ang dalawa habang siya ay nagpapagamot doon. Naghihintay pa siya ng resulta para sa dalawa pang kondisyon.

Matapos bumalik sa Pilipinas, sumailalim si Kris sa ilang pagsusuri sa St. Luke's Global Hospital. Nagkaroon siya ng PET scan upang matiyak na wala siyang kanser at sumailalim din sa colonoscopy. Ipinahayag niya na mahirap ipabatid ang balita sa kanyang anak na si Bimby, ngunit naging matatag sila sa pagharap sa sitwasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proofreading by Glory Mae Monserate, copy editor at KAMI.com.gh.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate