Mark Herras, pina-blotter ni Jojo Mendrez dahil sa umano'y pagbabanta nito

Mark Herras, pina-blotter ni Jojo Mendrez dahil sa umano'y pagbabanta nito

- Pina-blotter ni Jojo Mendrez ang aktor at dancer na si Mark Herras nitong araw, April 1, 2025

- Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Advincula, may banta umano sa personal na seguridad at ari-arian ni Mendrez

- Hindi na nagbigay ng pahayag si Mendrez at ipinauubaya na niya ang lahat sa kanyang legal counsel

- Nakatakdang ipa-receive bukas nina Mendrez at ng kanyang abogado ang pormal na reklamo laban kay Herras

Tuluyan nang pina-blotter ni Manuel Padillo Tan, na mas kilala bilang Jojo Mendrez, ang aktor at dancer na si Mark Angelo Santos Herras. Sa edad na 56, desidido si Mendrez na idulog sa korte ang umano’y pagbabanta na natanggap niya mula kay Herras, 38.

Mark Herras, sinampahan ng kasong grave threat ni Jojo Mendrez
Mark Herras, pina-blotter ni Jojo Mendrez dahil sa umano'y pagbabanta nito (📷The Real Jojo Mendrez, Mark Herras/Facebbook)
Source: Facebook

Sa isang panayam ng TV5, inihayag ng abogado ni Mendrez na si Atty. Advincula ang dahilan ng kanilang pagpunta sa police station. Ayon sa kanya, “Nandito si Jojo Mendrez para magkaroon ng recordal of his complaint doon sa insidenteng nangyari na pagbabanta sa kanya amounting to grave threat.” Dagdag pa niya, may banta raw sa personal na seguridad ni Mendrez pati na rin sa kanyang ari-arian.

Read also

Sen. Bong Revilla, nagpasalamat sa Sto. Niño matapos makaligtas sa helicopter emergency landing

Samantala, hindi na nagbigay ng anumang pahayag si Mendrez tungkol sa reklamo at ipinauubaya na niya ang lahat sa kanyang legal counsel. Gayunpaman, inamin niyang nalulungkot siya sa naging takbo ng sitwasyon at wala siyang anumang mensahe para kay Herras.

Paliwanag naman ni Atty. Advincula, “Hindi tama ang magbanta sa kahit sino, sa kanyang sarili o ari-arian. Mayroon tayong mga batas na sumasaklaw rito sa ilalim ng Revised Penal Code.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, nakatakdang magtungo bukas sa Hall of Justice sina Atty. Advincula at Jojo Mendrez, kasama ang kanyang management team, upang pormal na ipa-receive ang reklamo laban kay Mark Herras.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Sana lumabas ang buong katotohanan sa kaso na ito, mahirap husgahan nang hindi alam ang buong detalye”
“Kung may basehan naman ang reklamo, hayaan na lang ang batas ang humusga”
“Sayang ang pagkakaibigan nila kung totoo man ito, pero kung may mali talagang nagawa, dapat panagutan”

Read also

Yassi Pressman, sinagot ang netizen na duda sa kanyang natural na ganda

Si Jojo Mendrez, kilala bilang "The Revival King," ay isang Pilipinong mang-aawit at negosyante na nagmula sa Lucena. Sa murang edad, tinulungan niya ang kanyang ina sa paghahabi ng buri upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Sa kabila ng mga pagsubok, ipinagpatuloy niya ang kanyang hilig sa musika, kumuha ng voice lessons sa Ryan Cayabyab Music Studio, at kalaunan ay nakilala sa kanyang mga rendition ng klasikong awitin tulad ng "Magkaibang Mundo" at "Somewhere in My Past." Bukod sa musika, matagumpay din siyang negosyante at kilala sa kanyang mga gawaing pangkawanggawa.

Matatandaang pinabulaanan ni Jojo Mendrez ang mga espekulasyon tungkol sa kanya at sa aktor na si Mark Herras matapos silang pag-usapan sa social media. Ipinaliwanag niyang nagkataon lamang ang kanilang pagkikita at walang malisya ang kumalat na video clip nila.

Sa isang contract signing event ng Star Music PH para kay Jojo Mendrez, nagulat ang marami nang biglang dumating si Mark Herras at nagbigay ng bulaklak sa mang-aawit. Ang kilos na ito ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon at espekulasyon mula sa netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate