Ai-ai Delas Alas, umaming tinuring na maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald

Ai-ai Delas Alas, umaming tinuring na maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald

- Inamin ni Ai-Ai delas Alas na nasa recovery stage pa rin siya matapos ang hiwalayan nila ni Gerald Sibayan

- Kinumpirma niya na ginamit ni Gerald ang Viber para makipaghiwalay noong Oktubre 14, 2024

- Aminado si Ai-Ai na maling desisyon ang pakasalan si Gerald dahil sa malaking agwat ng kanilang edad

- Bukas pa rin si Ai-Ai sa bagong pag-ibig ngunit mas gusto na niya ngayon ng mas mature na relasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Patuloy na nasa recovery stage si Ai-Ai delas Alas, 60, matapos ang hiwalayan nila ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan. Kinumpirma ng aktres ang kanilang paghihiwalay noong Nobyembre 2024, matapos ang desisyon ni Gerald na tapusin ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng Viber messaging noong Oktubre 14, 2024.

Ai-ai Delas Alas, umaming tinuring na maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald
Ai-ai Delas Alas, umaming tinuring na maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald (📷Screengrab from BB.Gandanghari/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Ai-Ai, ang dahilan na ibinigay ni Gerald sa kanyang pakikipaghiwalay ay ang kagustuhan nitong magkaanak at ang pagkawala ng kasiyahan sa kanilang pagsasama.

Sa panayam ni BB Gandanghari kay Ai-Ai na inilabas sa YouTube noong Marso 27, 2025, inamin ng Comedy Queen na mula pa noong simula ay alam na niyang isang "wrong decision" ang pagpapakasal kay Gerald.

Read also

USCIS, pinaboran ang pagbawi ni Ai Ai delas Alas sa petisyon para sa green card ni Gerald Sibayan

Nang tanungin kung paano niya nakikita ang pananaw ng publiko na isa siyang mabuting ina ngunit tila hindi mapalad sa pag-ibig, mabilis na itinuwid ni Ai-Ai ang impresyon ng iba.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi ako tanga. Nagkataon lang na napupunta ako sa hindi tamang tao para sa akin," pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, "Kung tanga ako, hindi kami aabot ng sampung taon. Nagkataon lang siguro na hanggang doon lang at meron pala siyang ibang agenda, o meron pala siyang iba na nagustuhan, o may iba pala siyang gusto sa akin."

Nang tanungin kung itinuring ba niyang isang maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald, mabilis niyang sinagot ng "Yes."

"Kumbaga, una, pinanindigan ko na lang, and parang gusto kong ipakita sa buong mundo na age doesn’t matter. But it matters."

Matapos ang masakit na hiwalayan, bukas pa rin si Ai-Ai sa posibilidad ng isang bagong pag-ibig ngunit nais niyang makahanap ng isang lalaking mas malapit sa kanyang edad.

Read also

Ogie Diaz, inalmahan ang kandidatong nanlait umano kay Vilma Santos

"Kahit siguro hindi older, pero siguro hindi ganoon kalaki ang gap. Siguro ten years is okay," aniya.

Sa kabila ng lahat, nananatili ang determinasyon ni Ai-Ai na bumangon mula sa pinagdaanan niyang sakit at ipagpatuloy ang kanyang buhay nang may mas positibong pananaw sa hinaharap.

Si Ai Ai delas Alas ay isang kilalang aktres, komedyante, at TV host sa Pilipinas na sumikat dahil sa kanyang mga iconic na pelikula tulad ng Ang Tanging Ina series. Bukod sa kanyang tagumpay sa industriya ng showbiz, kilala rin siya sa kanyang matibay na pananampalataya at pagiging bukas sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay. Pinakasalan niya ang mas batang si Gerald Sibayan noong 2017, ngunit kamakailan ay lumutang ang balitang nagkahiwalay na sila.

Dalawang buwan na ang nakalipas, sa isang panayam, diretsahang sinagot ni Ai-Ai delas Alas ang tanong kung nagkaroon na ba sila ng komunikasyon ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan. Ayon sa aktres, hindi siya direktang nakikipag-usap kay Gerald, bagkus ay idinadaan niya ito sa ibang tao tulad ng kanyang manugang.

Read also

Mark Leviste, nagsalita tungkol sa pagbisita ng anak kamakailan kay Kris Aquino

Nag-ugat ang tanong kung may galit nga ba si Cristy Fermin kay Ai Ai de las Alas matapos niyang madalas na punahin ang komedyana sa kanyang programa. Sa Cristy Ferminute, nilinaw ng beteranang columnist na wala siyang galit kay Ai Ai kundi lungkot ang kanyang tunay na nararamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate