Mga tagahanga ni Kris Aquino, nag-alala matapos makita ang kanyang recent photo

Mga tagahanga ni Kris Aquino, nag-alala matapos makita ang kanyang recent photo

- Nag-alala ang mga tagasuporta ni Kris Aquino matapos makita ang larawan niyang ibinahagi ni VM Ronin Leviste kung saan kapansin-pansin ang sobrang kapayatan niya

- Inaalalayan na siya ng kanyang anak na si Bimby sa paglalakad dahil hirap na itong kumilos at tumayo dulot ng kanyang karamdaman

- Marami sa netizens ang nagmungkahi na subukan ni Kris ang alternatibong gamutan tulad ng pagpapatingin sa faith healer

- Patuloy namang ipinapanalangin ng kanyang mga tagahanga ang kanyang paggaling at inaasahan nilang bumalik siya sa showbiz balang araw

Nag-alala ang mga tagasuporta ni Kris Aquino matapos makita ang pinakabagong larawan niya na ibinahagi ni Batangas Vice Mayor Ronin Leviste, anak ng dating kasintahan ng Queen of All Media na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Mga tagahanga ni Kris Aquino, nag-alala matapos makita ang kanyang recent photo
Mga tagahanga ni Kris Aquino, nag-alala matapos makita ang kanyang recent photo (📷Ronin Leviste/Facebook)
Source: Facebook

Sa Facebook post ni VM Ronin, makikita ang ilang larawan mula sa kanyang pagbisita kay Kris sa kanilang tahanan. Isa sa mga larawang ito ang agad nakatawag ng pansin ng netizens, kung saan inaalalayan ni Bimby ang kanyang ina habang naglalakad. Kapansin-pansin ang labis na pangangayayat ni Kris, lalo na sa kanyang mga binti, at makikita rin ang hirap na dinaranas niya sa bawat pagkilos at pagtayo.

Read also

Anak ni Mark Leviste, binisita si Kris Aquino: "Hindi mawawala ang aming pagmamahal kay TK"

Matapos lumabas ang naturang larawan, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala. Marami ang nagkomento na tila lalo pang lumala ang kalagayan ni Kris.

Isa sa mga nagkomento ang nagsabi, “Hindi na ito edit, hirap na siyang tumayo at lumakad. Kinakarga na siya ni Bimby pag pupunta sa banyo. Halos nauupos na parang kandila ang katawan niya, puro buto na lang ang natira.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May ilang netizens din ang nagmungkahi na subukan ni Kris ang alternatibong gamutan. “Bakit kaya hindi subukan ni Kris ang magpatingin sa isang faith healer? Wala namang mawawala kung susubukan,” pahayag ng isang tagasubaybay.

Samantala, ang iba naman ay nagpahayag ng kanilang pangungulila sa Queen of All Media. “Nakakamiss talaga si Miss Kris. Sana bumalik pa siya at gumaling na,” ani ng isa sa mga netizens. Isa pa ay nagsabi, “Grabe na ang payat ni Kris… Sana gumaling ka pa. Kailangan ka pa ng showbiz at ng mga anak mo.”

Read also

Frenchie Dy, binahagi ng saloobin matapos tamaan ng Bell's Palsy sa pangatlong pagkakataon

Sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, patuloy pa rin ang panalangin ng kanyang mga tagasuporta para sa kanyang paggaling. “Patuloy po namin kayong ipagdarasal… Nawa’y pagalingin po kayo ng Panginoon,” pahayag ng isang nag-aalalang netizen.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagbahagi si Kris sa kanyang Instagram ng larawan kung saan makikita si Bimby na kinakarga siya papunta sa banyo. Ibinahagi rin niya ang kanyang nararanasan dahil sa kanyang autoimmune diseases, partikular ang lupus, na patuloy na nagpapahirap sa kanyang pang-araw-araw na pagkilos.

Habang patuloy na lumalaban si Kris sa kanyang karamdaman, nananatili namang umaasa ang kanyang mga tagahanga na makikita nilang muli ang kanilang iniidolo na bumalik sa kanyang dating sigla.

Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.

Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.

Read also

Maureen Larrazabal, inamin na nabulag ng dalawang taon dahil sa contact lens

Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.

Hindi napigilan ni Darla Sauler, ang TV writer at matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kanyang reaksyon nang makita ang namagang paa ng Queen of All Media. Binisita ni Darla si Kris sa kanyang tahanan, kung saan makikita sa Instagram ang larawan nila ni Kris kasama si Bimby, na nakaakbay pa kay Darla.

Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate