Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa

Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa

- Nagpahayag ng pagkabahala si Ice Seguerra matapos mapansin ang nawawalang gamit sa bagahe ng kanyang asawa na dumating mula sa US

- Agad na nagbigay ng tugon ang Philippine Airlines at nangakong tutulungan sila sa imbestigasyon ng insidente

- Patuloy na kinakausap ng PAL si Ice upang makuha ang karagdagang impormasyon para matunton ang nawawalang gamit

- Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Ice at umaasang maresolba agad ang sitwasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpahayag ng pagkabahala si Ice Seguerra sa kanyang social media account matapos mapansin na may nawawalang gamit sa bagahe ng kanyang asawa na dumating mula sa United States sakay ng Philippine Airlines (PAL). Ayon kay Ice, “Hello NAIA 1! Kakarating lang ng asawa ko from the US via PAL flight. May nawawala pong dalawang items sa loob ng box at maleta niya. Pwede kaya makausap yung security niyo diyan? Para ma check yung mga lost items.”

Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa
Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa (📷Ice Seguerra/FB)
Source: Instagram

Dahil dito, agad namang nagbigay ng tugon ang Philippine Airlines sa comment section ng post ni Ice. Sa kanilang pahayag, sinabi ng PAL, “Dear Mr. Seguerra. We understand how important your belongings are, and we appreciate you bringing this to our attention. Rest assured, we take such matters seriously, and our team is here to assist in looking into this. We’ve reached out to you via Instagram to gather more details and support you in the investigation. We’ll do our best to help!”

Read also

Ruffa Gutierrez, nagbahagi ng mensahe tungkol sa past: "Place to learn from, not to live in"

Ipinabatid ng PAL na seryoso nilang tinatrato ang ganitong uri ng insidente at kanilang sisiyasatin ang pagkawala ng mga gamit. Sa kasalukuyan, wala pang kumpirmasyon kung ano ang eksaktong nawawala sa maleta ng asawa ni Ice, ngunit patuloy na kinakausap ng PAL si Ice upang makuha ang karagdagang impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Ice at umaasa silang matutunton ang nawawalang gamit sa lalong madaling panahon. Samantala, nag-aabang ang publiko sa magiging resulta ng imbestigasyon ng PAL at NAIA security upang matiyak ang kaligtasan ng mga bagahe ng kanilang mga pasahero.

Sa kabila ng insidente, umaasa si Ice na magiging maayos ang lahat at mababawi pa rin ang nawawalang gamit ng kanyang asawa.

Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami. Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.

Read also

Sunshine Cruz, na-diagnose ng autoimmune disease na myasthenia gravis

Kamakailan ay buong tapang na ibinahagi ni Ice ang tungkol sa 17 taon niyang pakikipaglaban sa depresyon. Aniya, matagal na niya itong dinaranas bagay na hindi pa niya lang alam noon kung ano ang tawag. Isa sa pinakamatinding epekto nito ay ang kasagsagan ng pandemya kung saan naisipan niyang bawiin ang sariling buhay. Laking pasalamat naman niya sa kanyang kaibigan at misis na malawak ang pang-unawa sa kanyang pinagdaanan.

Kinaaliwan kamakailan ang pag-post si Sylvia Sanchez ng video kung saan ginising niya si Ice na natutulog. Ito ay para umano palipatin si Ice sa bitbit niyang stroller na hiniram niya sa anak ni Smokey Manaloto. Matapos magising ay wala namang nagawa si Ice kundi sakyan na lang ang biro ni Sylvia. Ani Silvia, ang totoong pagkakaibigan ay asaran at walang pikunan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate