Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai

Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai

- Dumalo sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista sa birthday party ng anak ni Richard Gutierrez na si Kai

- Tinanggihan ni Ruffa ang proposal ng kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas na magpakasal muli

- Mas naging malapit na ngayon ang mga anak ni Ruffa kay Yilmaz matapos ang kanilang pagbisita sa Turkey

- Maayos na rin ang relasyon nina Ruffa at Yilmaz at patuloy ang kanilang komunikasyon para sa kapakanan ng kanilang mga anak

Pinatunayan nina Ruffa Gutierrez at Herbert “Bistek” Bautista na matibay pa rin ang kanilang relasyon matapos silang magkasamang dumalo sa birthday party ng bunsong anak ni Richard Gutierrez na si Kai.

Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai Gutierrez
Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai Gutierrez (📷@iloveruffag/IG)
Source: Instagram

Ayon sa ulat ni Jun Lana ng Abante, hindi lang si Ruffa ang dumalo sa selebrasyon kundi pati ang dating alkalde ng Quezon City. Marami ang nakapansin na sweet at masayang magkasama ang dalawa sa nasabing event, na naging malinaw na sagot sa mga espekulasyon na hiwalay na umano sila.

Read also

Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino

Samantala, sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, ibinunyag ni Ruffa na inalok siyang pakasalan muli ng kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas. Ayon kay Ruffa, inakala niyang biro lamang ang proposal ni Yilmaz nang imbitahan siya nitong mag-train tour sa buong Europe.

“Sabi ko, ‘Is this a joke?’ Sabi niya, ‘No, I want to invite you to be in a train with me’ at mag-train daw kami all over Europe. So, sabi ko, ‘Totoo ba ‘to o baka he’s planning my murder on the plane or train?’” pagbibiro ng aktres. Gayunpaman, tinanggihan ni Ruffa ang alok at iminungkahi na lamang niya na bumisita ito sa Pilipinas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng hindi pagtanggap sa alok ng dating asawa, masaya si Ruffa na mas naging malapit na ngayon ang kanyang mga anak sa kanilang ama matapos bumisita sa Turkey. “And I’m very happy na they are more at ease, you know, parang ‘yung pain na nakita ko nasa heart nila for how many years, nawala,” ani Ruffa.

Read also

Malacañang, hinamon ang mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa larawan ni First Lady Liza Marcos

Habang mas nagiging maayos ang kanilang ugnayan, mas nagiging masaya at panatag si Ruffa para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng mga intriga, napatunayan ng aktres na nasa magandang lugar ngayon ang kanyang puso—sa piling ni Bistek at sa mas matibay na ugnayan ng kanyang mga anak sa kanilang ama.

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, beauty queen, at TV host. Siya ay kinoronahang Binibining Pilipinas World 1993 at naging second runner-up sa Miss World 1993. Kilala rin siya sa showbiz bilang bahagi ng pamilyang Gutierrez, kung saan ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Bukod sa pagiging aktres, naging host din siya ng iba’t ibang talk shows at reality programs sa telebisyon.

Siya rin ay dating maybahay ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, at sila ay may dalawang anak na babae, sina Lorraine at Venice Bektas.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya.

Read also

Sen. Bato Dela Rosa: "Si General Torre ay lasing sa kapangyarihan"

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate