Donita Rose, aminadong mahirap magpapayat sa edad 50: “We don’t possess timeless beauty

Donita Rose, aminadong mahirap magpapayat sa edad 50: “We don’t possess timeless beauty

- Aminado si Donita Rose na mahirap magpapayat lalo na kung nasa edad 50 na siya

- Ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang realization matapos mabawasan ng 40 pounds at ang pressure bilang public figure

- Binanggit niya na mas mahalaga pa rin ang kabutihan ng puso kaysa sa panlabas na anyo

- Kasalukuyan nilang inuuna ng kanyang asawa ang pagiging malusog, aktibo, at pananatiling malapit sa Diyos

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Aminado ang TV host-actress na si Donita Rose na mahirap magpapayat, lalo na kung nasa edad 50 na. Sa isang Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang realizations matapos mabawasan ng 40 pounds ang kanyang timbang, pati na rin ang pressure ng pagpapanatili ng idealized image bilang isang public figure.

Donita Rose, aminadong mahirap magpapayat sa edad 50: “We don’t possess timeless beauty
Donita Rose, aminadong mahirap magpapayat sa edad 50: “We don’t possess timeless beauty (📷@dashofdonita/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Donita, malaking hamon para sa isang babae na magbawas ng timbang sa edad na 50. Inilahad din niya na matapos mabawasan ng 40 pounds, marami ang umaasa na babalik ang dati niyang hitsura noong nasa 20s o 30s pa siya, ngunit aniya, iba na ang realidad.

Read also

Herlene Budol, gustong pumasok sa PBB para ipagtanggol si Ashley Ortega

Sa kabila ng expectations ng publiko at kanyang mga responsibilidad, napagtanto umano ni Donita na limitado lamang ang kayang gawin ng isang tao sa takdang panahon. Sinabi rin niya na bilang isang celebrity, laging may pressure na tuparin ang inaasahan ng publiko, ngunit ang pangunahing layunin nila ay ipakita ang kanilang sarili bilang malusog at fit. Idinagdag pa niya na bagama’t may responsibilidad sila na maging ehemplo ng kalusugan, mahalaga pa ring tandaan na sila ay tao rin na may limitasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binigyang-diin din ni Donita na hindi nila hawak ang walang hanggang kagandahan at tanging ang mga biyayang hatid ng panahon lamang ang kanilang matanggap. Ayon pa sa kanya, higit sa anumang numero sa timbangan o pamantayan ng kagandahan, mas mahalaga ang kabutihan ng puso at ang mga bagay na hindi nasusukat ng panlabas na anyo. Pinapaalala rin umano ng mga banal na kasulatan na bagama’t ang kagandahan ay lumilipas, ang kabutihan ay nananatili.

Read also

Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"

Dagdag pa niya, sa kasalukuyan ay nakatuon ang atensyon nilang mag-asawa sa pagiging malusog, pagiging aktibo, at patuloy na paghahanap sa Diyos araw-araw. Matatandaang noong nakaraang taon, unang ibinahagi ni Donita ang kanyang weight loss journey, kung saan inamin niyang sumailalim siya sa liposuction at facelift procedure. Sa isang naunang post, ipinahayag niya na 40 pounds na ang nabawas sa kanya at labis siyang masaya sa kanyang pagbabago. Bagama’t hindi naging madali ang proseso, sinabi niyang inabot ng isa’t kalahating taon bago siya nakarating sa kanyang kasalukuyang estado.

Si Donita Rose Cavett Villarama ay isang Filipino-American actress, TV host, at celebrity chef na sumikat noong 1990s. Naging bahagi siya ng ilang pelikula at TV shows, kabilang ang mga youth-oriented programs tulad ng That’s Entertainment at Ober Da Bakod. Kilala rin siya bilang dating MTV Asia VJ, kung saan lalo siyang naging popular sa buong Asya.

Ipinagtanggol ni Felson Palad ang kanyang kapatid na si Sheena Palad sa Instagram matapos siyang batikusin ng ilang netizens dahil sa pagpapalit kay Eva Darren bilang presenter sa FAMAS Awards. Ipinahayag ng asawa ni Donita Rose ang kanyang matinding pagmamahal kay Sheena at binigyang-diin ang mahalagang papel na ginampanan niya sa pagpapalaki sa kanyang kapatid.

Read also

Magsasaka sa Quezon, patay matapos tagain ng 83-anyos na kapitbahay dahil sa ingay

Ipinahayag ni Donita Rose ang suporta niya sa kanyang sister-in-law na si Sheena Palad sa gitna ng mga batikos. Sa social media, hinarap ni Sheena ang pambabatikos matapos siyang mapili bilang kapalit ni Eva Darren bilang presenter sa FAMAS Awards. Nag-iwan si Donita ng komento sa video ni Sheena kung saan nagbigay siya ng mga salitang pampalakas ng loob at pakikiisa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate