Jellie Aw, umalma sa kumakalat na fake post na sinabi daw niya
- Natawa na lang si DJ Jellie Aw sa isang fake post na nagpapalabas na may sinabi siyang pabor sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa isang relasyon
- Ibinahagi niya sa kanyang social media accounts ang screenshot ng nasabing post at pabirong sinabing "GALING NG GUMAWA NETO! PALAKPAKAN SA MUKA"
- Naging kontrobersyal si Jellie matapos niyang isapubliko ang larawan ng kanyang duguang mukha na umano’y resulta ng pananakit ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio
- Bagama’t inamin niyang mahal pa rin niya si Jam, iginiit niyang wala nang balikan at ipagpapatuloy niya ang kaso laban dito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Imbes na magalit, natawa na lang ang DJ at content creator na si Jellie Aw sa isang fake post na nagpapalabas na may sinabi siyang patungkol sa pagpapatawad at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa isang relasyon.

Source: Instagram
Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni Jellie ang screenshot ng naturang post na may quote na iniuugnay sa kanya:
"Kung talagang nagsisisi at magbabago, bakit hindi diba? Ganon naman kapag nagmamahal, lulunukin mo yung ego and pride mo just to be happy."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa halip na magpaliwanag, pabirong sinagot ito ni Jellie at sinabing, "GALING NG GUMAWA NETO! PALAKPAKAN SA MUKA!"
Matatandaang naging kontrobersyal ang pangalan ng DJ matapos niyang isapubliko ang isang larawan kung saan makikitang duguan ang kanyang mukha, na umano’y resulta ng pananakit ng kanyang fiancé na si Jam Ignacio. Ilang araw matapos pumutok ang isyu, lumabas si Jam at inamin ang kanyang nagawa. Humingi siya ng tawad kay Jellie at sinabi niyang nais pa rin niyang matuloy ang kanilang kasal upang mabuo ang pangarap nilang pamilya.
Bagama’t inamin ni Jellie na mahal pa rin niya si Jam, iginiit niyang wala nang balikan na magaganap sa kanila. Aniya, napatawad na niya ang dating fiancé ngunit nanindigan siyang ipagpapatuloy ang kaso laban dito upang mapanagot ito sa kanyang ginawa.
Sa kabila ng mga fake news na lumalabas, nananatiling matatag si Jellie at patuloy na ipinaglalaban ang kanyang karapatan.
Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.
Sinagot ni Jellie Aw ang mga pang-iintriga tungkol sa kanyang ilong at itinanggi ang alegasyong niretoke ito. Matatandaang nagpahayag si Jam Ignacio ng pagnanais na makipag-ayos kay Jellie Aw ngunit hindi ito nagustuhan ng kapatid niyang si Jo Aw. Kamakailan ay naglabas si Jellie ng mga larawan kung saan makikita ang gumaling na niyang mga pasa at naayos na rin ang kanyang ngipin. Matatandaang nagtungo si Jellie sa ospital para ipagamot ang kanyang tinamong pinsala at nagsampa ng pormal na reklamo laban kay Ignacio.
Patuloy ang pagsabog ng kontrobersiya sa pagitan ng DJ at social media influencer na si Jellie Aw at ng kanyang dating fiancé na si Jam Ignacio matapos ibahagi ni Jellie ang screenshot ng mensahe ng huli. Sa naturang mensahe, mariing itinanggi ni Jam ang mga akusasyong ibinabato sa kanya at nagmakaawang pag-usapan ang kanilang relasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh