Herlene Budol, inaming nasasaktan sa mga komento: "Ikaw ba naman sabihan ka ng bobo, harap-harapan"
- Mas natutunan ni Herlene Budol ang pagmamahal sa sarili matapos makaranas ng matinding panghuhusga at pangmamaliit mula sa ibang tao
- Ginamit niyang inspirasyon ang mga negatibong komento upang mapabuti ang sarili at patunayan na kaya niyang matuto at magtagumpay
- Ibinahagi niya na mas pinipili na niyang hindi patulan ang bawat pang-aasar upang mapanatili ang respeto sa sarili
- Naniniwala siyang dapat unahin ang pagmamahal sa sarili bago magmahal ng iba upang makuha rin ang respeto ng ibang tao
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kabila ng matinding panghuhusga at pangmamaliit na natanggap niya noon, mas lumakas ang paniniwala ni Herlene Budol sa halaga ng pagmamahal sa sarili. Sa naging panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 5, inamin ng Binibining Marikit star na matagal niyang pinasan ang sakit ng pagiging tinatawag na "bobo" ng ibang tao.

Source: Instagram
“Masakit po 'yun. Ikaw ba naman sabihan ng bobo—harap-harapan, sa comments, behind your back. Talagang sinasabi po sa 'kin, [ang] bobo 'ko,” saad ni Herlene.

Read also
Vice Ganda, kinilala bilang isa sa top taxpayers ng QC: 'Karapatan natin kumwestiyon at bumoses'
Gayunpaman, sa halip na panghinaan ng loob, ginamit niya ito bilang inspirasyon upang patunayang kaya niyang pagbutihin ang sarili. Isa umano sa kanyang naging mentor si Boy Abunda, na labis na ipinagmamalaki ang determinasyon ni Herlene na matuto.
“Nagkasalubong tayo, nakita ko kung how hungry you were to learn. Gutom na gutom ka. Sobrang patay-gutom para matuto,” ani ng King of Talk.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, ibinahagi rin ni Herlene ang isang bagay na kanyang natutunan sa kanyang mga kasamahan sa seryeng Your Honor na sina Buboy Villar at Tuesday Vargas—na hindi lang siya ang nakakaramdam ng kakulangan sa kaalaman.
“Nito ko lang na-realize na hindi lang pala ako ‘yung bobo dito, marami tayo. Tanggapin n'yo lang,” pabirong pahayag ng aktres.
Ngayon, sa halip na patulan ang bawat pang-aasar sa kanya, mas pinipili na ni Herlene kung ano ang dapat pagtuunan ng pansin.
“Sayang naman po 'yung pag-gain ko ng respeto sa sarili ko. Tito Boy, pinakamahirap po pala na na-discover ko 'yung kung paano ko rerespetuhin 'yung sarili ko,” aniya.
Isa rin sa mga nagbago sa kanyang buhay ay ang tingin sa kanya ng ibang tao matapos niyang sumabak sa mga beauty pageant.
“Dati tinatawag ako, ‘Hoy, Hipon, shout out sa’yo!’ Ngayon parang naa-appreciate ko 'yung ‘Hi, Miss Herlene. Hi, Miss Budol, how are you po?’ Parang, ‘Ay, puwede pala akong kausapin ng gano’n din, kung paano ko sila kausapin,’” saad niya.
Para kay Herlene, hindi siya ang dating walang kumpiyansa sa sarili. Sa kanyang natutunan, mas binibigyan na niya ngayon ng halaga ang self-love bago ang anupaman.
“Uunahin n'yo munang mahalin 'yung sarili n'yo bago kayo magmahal ng ibang tao. At saka para rin 'yung respeto nila sa'yo, solid,” pagtatapos niya.
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.
Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh