Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale

Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale

- Sinampahan ng kasong cyber libel ni Frederick Cale ang kanyang asawang si Lindsay Custodio dahil sa isang artikulo ng PEP.ph noong 2022

- Ikinuwento ni Lindsay sa nasabing artikulo ang diumano’y traumatic na karanasan niya sa mismong araw ng kanilang kasal, kabilang ang sapilitang pag-withdraw ng kanilang pera para sa wedding expenses

- Nasa Cebu ngayon ang aktres-singer upang harapin ang reklamo, ngunit inamin niyang gulat at dismayado siya sa hakbang na ginawa ng kanyang asawa

- Na-dismiss noon ng Muntinlupa Prosecutor’s Office ang naunang kasong perjury laban kay Lindsay pati na rin ang isinampa niyang kaso laban kay Frederick tungkol sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sinampahan ng kasong cyber libel ng kanyang asawa na si Frederick Cale ang aktres at singer na si Lindsay Custodio kaugnay ng isang artikulo na inilabas ng PEP.ph noong 2022.

Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale
Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale (📷@niceprintphoto/Instagram)
Source: Instagram

Sa programang Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 5, binalikan ni Boy Abunda ang mga pahayag ni Lindsay sa naturang artikulo, kung saan idinetalye ng aktres ang diumano’y traumatic na karanasan niya sa mismong araw ng kanilang kasal. Ayon sa ulat, bago umano sila pumunta sa wedding reception ay pinilit siya ng kanyang asawa na i-withdraw ang mga regalong tseke, pati na ang pera mula sa kanyang personal at joint account, upang ipambayad sa kanilang wedding expenses.

Read also

Vice Ganda, isa sa top taxpayers ng QC; nagbigay ng makabuluhang mensahe

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kasalukuyan, nasa Cebu si Lindsay upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya, ayon kay Boy Abunda. Nakausap din ng programa ang aktres-singer bago magsimula ang episode, kung saan inamin niyang gulat at dismayado siya sa ginawa ng kanyang asawa. Gayunman, naniniwala siyang wala siyang dapat ipag-alala dahil hawak niya ang katotohanan.

“Nakakalungkot na 'yun ang ginawa niya. [I am] very disappointed, siyempre, pero okay lang po kasi what I have is the truth naman... I was shocked tsaka disappointed na 'yun ang ginawa niya though alam naman niya in his heart kung ano ang nangyari talaga,” pahayag ni Lindsay.

Samantala, napag-alaman din na bago pa ang kasong cyber libel ay una nang sinampahan ni Frederick si Lindsay ng kasong perjury, ngunit ito ay na-dismiss ng Muntinlupa Prosecutor's Office. Noong nakaraang taon, nagsampa rin si Lindsay ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act laban sa kanyang asawa, subalit na-dismiss din ito ng parehong tanggapan dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Read also

Heart Aquino, nilinaw na na-mental block lang daw siya kaya hindi masyadong nakasagot

Si Lindsay Custodio ay isang dating aktres at singer sa Pilipinas na sumikat noong dekada '90. Kilala siya bilang isa sa mga miyembro ng youth-oriented show na Ang TV at naging recording artist rin, kung saan nakilala ang kanyang mga awitin na may mellow at love song vibes.

Pumanaw ang unang asawa ni Lindsay sa isang aksidente sa sasakyan. Ang kanyang asawa na si Julius Caesar Platon II ay dating Bise Alkalde ng Tanauan, Batangas. Si Platon ay 44 taong gulang nang bawian ng buhay.

Muling ikinasal si Lindsay sa fiancé nito na non-showbiz. Noong May 1, 2022 ay kinasal siya kay Frederick Cale at ilan sa kanyang mga kasamahan sa showbiz ang dumalo - Kabilang ang mag-aawit na si Rosel Nava at ang mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizarras sa mga dumalo sa kasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate