Lindsay Custodio, muling ikinasal mahigit tatlong taon mula nang mabiyuda

Lindsay Custodio, muling ikinasal mahigit tatlong taon mula nang mabiyuda

- Muling ikinasal ang dating aktres na si Lindsay Custodio sa fiancé nito na non-showbiz

- Nitong May 1, 2022 ay kinasal siya kay Frederick Cale at ilan sa kanyang mga kasamahan sa showbiz ang dumalo

- Kabilang ang mag-aawit na si Rosel Nava at ang mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizarras sa mga dumalo sa kasal

- Matatandaang noong November 2018 nang mabiyuda si Lindsay matapos pumanaw ang kanyang mister na si Tanauan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon dahil sa heart attack

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masaya ang mga kaibigan ng dating singer at aktres na si Lindsay Custodio na matapos ang mahigit tatlong taon ay nakatagpo ito ng bagong pag-ibig sa katauhan ng kanyang non-showbiz fiancé na si Frederick Cale. Ibinahagi ng Nice Print Photography ang mga wedding pictures ng dating aktres sa araw ng kasal nito.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Lindsay Custodio, muling ikinasal mahigit tatlong taon mula nang mabiyuda
Lindsay Custodio weds non-showbiz fiancé Frederick Cale (@niceprintphoto)
Source: Instagram

Matatandaang noong November 2018 nang mabiyuda si Lindsay matapos pumanaw ang kanyang mister na si Tanauan, Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon dahil sa heart attack habang nagmamaneho sa South Luzon Expressway (SLEX).

Sa mga Instagram post ng kanyang mga kasamahan sa showbiz na sina Rosel Nava at ang mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizarras noong May 1, 2022 ay binati siya ng kanyang mga kaibigan.

Lindsay and Frederick, God bless your marriage!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan naman ni Lindsay ang mag-asawang Jan at Gerard.

Thank you so much my dearest Mareng Jan and Pareng Gerard for being with us on our special day! Love you both always!

Base naman sa pagbati ni Rosel Nava, ilang personalidad pa ang dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib.

Congratulations Lindsay and Frederick nice seeing you Tito Joe Mari Chan, @drstevemarkgan @yeshuamazing19 @janmarini

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Narito ang ilan sa mga pictures mula sa Nice Print Photograpy:

Si Lindsay Custodio ay isa sa mga cast ng youth-oriented variety show na “Ang TV.” inoong taong 1992. Taong 1995 nang maging bahagi siya ng romantic dance film na Hataw Na.

Ilan sa kanyang nagawang mga pelikula ay Kristo at Ang TV: The Adarna Adventure. Ikinasal si Lindsay sa Vice Mayor ng Tanauan, Batangas na si Julius Caesar Platon noong taong 2000. Nabiyuda siya nang pumanaw ang kanyang mister noong November 2018.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel