Kylie Padilla, nagbahagi ng cryptic posts: "Everything hurts"

Kylie Padilla, nagbahagi ng cryptic posts: "Everything hurts"

- Nag-post si Kylie Padilla ng emosyonal at makahulugang mensahe sa Threads na ikinabahala ng kanyang mga tagahanga

- Isa sa kanyang mga pahayag ay tungkol sa tunay na pagmamahal, kung saan binanggit niya na dapat hangarin ang kaligayahan ng isang tao kahit hindi na ikaw ang nagpapasaya sa kanila

- Maraming netizens ang nagsasabing maaaring may kaugnayan ito sa kanyang personal na buhay o nakaraang relasyon

- Wala pang opisyal na pahayag si Kylie tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang cryptic posts

Usap-usapan ngayon ang cryptic posts ng aktres na si Kylie Padilla sa social media platform na Threads, kung saan tila may pinagdadaanan ito batay sa kanyang emosyonal na mga pahayag.

Kylie Padilla, nagbahagi ng cryptic posts: "Everything hurts"
Kylie Padilla, nagbahagi ng cryptic posts: "Everything hurts" (📷@kylienicolepadilla/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang post, ibinahagi ni Kylie ang linyang “Spirit lead me where my trust is without borders, let me walk upon the waters wherever you would call me. Take me deeper than my feet could ever wonder, and my faith will be made stronger in the presence of my saviour.”

Read also

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

Marami ang nagkomento na tila ito ay may kaugnayan sa isang personal na pagsubok na kanyang hinaharap.

Sinundan pa ito ng isa pang makahulugang mensahe: “If you TRULY love someone, you should want them to be happy. Even if you are not who they are happy with.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kylie Padilla, nagbahagi ng cryptic posts: "Everything hurts"
Kylie Padilla, nagbahagi ng cryptic posts: "Everything hurts" (📷kylienicolepadilla/Threads)
Source: Instagram

Dahil dito, umugong ang espekulasyon na maaaring may kaugnayan ito sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa huli, nag-iwan si Kylie ng simpleng pero mabigat na pahayag: “Everything hurts.”

Bagama’t walang direktang binanggit ang aktres, maraming netizens ang nag-aalala sa kanyang kalagayan. Hindi rin maiwasan ng ilan na pagtagni-tagniin ang mga pahayag, na posibleng may kaugnayan sa kanyang nakaraang relasyon o isang matinding pagsubok sa buhay.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Kylie tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang mga cryptic posts.

Matatandaang noong Enero, nagpahayag si Kylie tungkol sa kagustuhan niyang magtagal ang kanyang relasyon. "I swear I'm not naive but I want my relationship to last forever, which is probably why I stay longer than I should. I just don't want to accept failure. But never force something that has passed expiry date," ani niya sa isang Instagram post.

Read also

Sam Milby, naiyak sa FTWBA nang pag-usapan ang hiwalayan nila ni Catriona Gray

Isang netizen naman ang nagbigay ng unsolicited advice na manatili muna siyang single at pagtuunan ng pansin ang kanyang mga anak at career ngayong 2025. Sa sagot ni Kylie, tila sinang-ayunan niya ito, na sinabing, "Exactly the goal."

Dahil sa kanyang mga pahayag, maraming tagahanga at netizens ang nag-aabang kung magbibigay siya ng paglilinaw sa kanyang estado ngayon.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Read also

Kinidnap na 14-anyos na Chinese, pinakanta pa ng kidnappers matapos putulin ang hinliliit

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate