Herlene Budol, ayaw na makatrabaho si Rob: “Nilulunok ko na lang lahat ng mga masasakit na salita”
- Ibinunyag ni Herlene Budol sa Your Honor vodcast na ayaw na niyang makatrabaho ang dating co-star na si Rob Gomez
- Nadawit ang dalawa sa isang kontrobersya noong 2023 matapos kumalat ang diumano’y pribadong usapan nila
- Inamin ni Herlene na pakiramdam niya ay hindi siya naipagtanggol ni Rob kaya mas pinili niyang umiwas upang maiwasan ang gulo
- Nilinaw niyang wala siyang galit sa aktor ngunit mas nais niyang magkaroon ng katahimikan sa kanyang buhay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinunyag ng actress at beauty queen na si Herlene Budol na ayaw na niyang makatrabaho ang dating Magandang Dilag co-star na si Rob Gomez. Sa kanyang panayam sa Your Honor vodcast, diretsahan niyang binanggit ang pangalan ng aktor nang tanungin siya ni Buboy Villar kung sino ang artista na hindi niya gustong makatrabaho muli.

Source: Instagram
Matatandaang nadawit sina Herlene at Rob sa isang kontrobersya noong 2023 matapos kumalat ang diumano’y pribadong usapan nila. Ayon kay Herlene, pakiramdam niya ay hindi siya naipagtanggol ni Rob sa gitna ng isyu kaya't mas pinili niyang umiwas na lamang. "Siguro alam niya naman kung bakit ayaw ko na siya makatrabaho. Siguro, siya lang," aniya.
Dagdag pa ni Herlene, pareho na rin marahil nilang ayaw makatrabaho ang isa’t isa upang maiwasan ang gulo at panibagong kontrobersya.
“Pero kung siya 'yung tatanungin. Feeling ko rin ayaw din naman niya ako [maka-trabaho]. Iwas-gulo lang din. Para iwas issue parang pagod! Pagod na pagod din talaga ako sa mga binabatong hindi naman talaga [din totoo].
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Pagod na pagod na rin ako sa mga binabatong hindi naman totoo. Ang hirap ipagtanggol ang sarili mo tapos wala pang nagtatanggol sa’yo," paliwanag niya. Bagamat wala siyang galit kay Rob, naniniwala siyang mas makabubuti ang paglayo upang magkaroon ng katahimikan.
"Kaya nilulunok ko na lang lahat ng mga masasakit na salita… No hate ako sa kanya, basta siguro para lang sa ikakatahimik ng lahat.”
Matatandaang sa post ni Herlene sa X noon, sinabi niya din na gingagawan na lang siya ng isyu kagaya noong nasa Wowowin pa siya na sinabi daw na buntis siya.

Read also
Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’
Patungkol naman sa kumalat na convo screenshots, walang diretsahang pag-amin o pag-deny mula sa kanya.
Ang naturang convo ay sinasabing sa pagitan nila ni Rob. Nabanggit din doon ang posibilidad na maaring buntis na siya at nagbahagi pa ng picture ng home pregnancy test.
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.
Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh