Baron sa lumabas na fake news: "Kung kailan nakakaahon na ako, saka may ganyan?"
Inalmahan ni Baron Geisler ang lumabas na balitang inaresto umano siya sa Mandaue City
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ayon sa sinsabing kumakalat na fake news, naaresto si Baron dahil sa umano'y 'public disturbance dala raw ng kanyang kalasingan
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nilinaw ni Baron ang tungkol dito
Nagkaroon din ng pagkakataon si Ogie Diaz na makapanayam si Baron at pinatunayan umanong luma ang mugshot na kumalat kamakailan
Umalma ang aktor na si Baron Geisler sa napabalita kamakailan na inaresto umano siya sa Mandaue city.

Source: Facebook
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa pamamagitan ng Facebook post, pinabulaanan ito ni Baron na ayon sa kanya ay luma na.
Samantala, nagkaroon naman ng pagkakataong maka-chat ni Ogie Diaz si Baron na naglabas ng pruweba na okay siya at noo'y kasalukuyang bumibiyahe kasama ang kanyang misis.
Paliwanag pa ni Baron, hindi niya alam kung bakit naungkat muli ang kanyang lumang larawan na ito na kuha umano sa kasagsagan ng pag-aaway nilang mag-asawa. Ito ay dahil sa madalas niya noong pag-inom ng alak.
"Kung kailan naman nakakaahon na ako, saka pa may ganyan?" ayon pa umano kay Baron.
Dahil sa umano'y fake news na ito, marami ang nabahala lalo na at isa ang kanyang karakter sa pinakaaabangan sa seryeng Incognito.
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni baron mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:
Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dumanas sa kasagsagan noon ng pandemya.Isa ring patunay ng kahusayan niya sa pag-arte ay ang mga papuring natanggap niya sa pagganap sa pelikulang 'Dollhouse' na ipinalabas sa Netflix. Marami ang napabilib kay Baron at kumbinsido sa husay niya sa kanyang larangan kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pasasalamat sa mga publiko maging sa mga kasamahan niya sa showbiz na nagpaabot ng pagbati sa kanya.
Matatandaang naging kontrobersyal si Baron bago matapos ang taong 2023 sa pag-aakala ng marami na nakainom itong nagtungo sa media con ng Senior High. Inalam ni Ogie Diaz kung may katotohanan umano ang alegasyong ito lalo na at minsang napabalita noon ang tungkol sa alcohol addiction ng aktor.
Sinundan pa ito ng pasabog niyang rebelasyon ukol sa panganay na anak na kalauna'y kinumpirma na sa dating aktres na si Nadia Montenegro. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, matatandaang naikwento at idinetalye ni Baron ang una nilang pagkikita ng nasabing anak na suportado rin ng kanyang misis. Nang ilabas ang larawan nito, marami ang nagsasabing hindi maikakailang anak nga ito ni Baron.
Sa ngayon, kabilang si Baron sa tinututukang serye gabi-gabi ang Incognito kung saan kasama niya sina Ian Veneracion, Richard Gutierrez, tambalang Maris Racal at Anthony Jennings, Kaila Estrada at Daniel Padilla. Ginagampanan ni Baron ang karakter na si Miguel "Migs" Tecson na isang sniper, doctor, at dating army EOD na walang ibang hiling kundi ang makasama at mapalapit sa kanyang anak na pilit na inilalayo na sa kanya ng ina nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh