Jennica Garcia, napatakip sa tenga ng anak matapos siyang murahin dahil sa 'Saving Grace'

Jennica Garcia, napatakip sa tenga ng anak matapos siyang murahin dahil sa 'Saving Grace'

- Nakwento ni Jennica Garcia na naranasan niya nang mamura habang nasa mall siya kasama ang anak

- Ito ay dahil sa kanyang pagganap sa 'Saving Grace' na talaga namang pinanggigilan ng mga manonood dahil na rin sa husay na pagganap niya bilang kontra-bida

- Sa video na binahagi ni MJ Marfori, sinabi ni Jennica na hindi na siya nagpaliwanag ngunit nagulat umano siya na makarinig ng pagkaasar sa kanya nang harapan dahil kadalasan ay nababasa lamang niya ito sa social media

- Aniya, napagtanto niyang may mga tao din palang ganun katapang at harap-harapan siyang mumurahin dahil lamang sa kanyang karakter sa naturang serye

Ibinahagi ni Jennica Garcia ang isang di-inaasahang insidente kung saan siya ay minura habang namamasyal sa isang mall kasama ang kanyang anak.

Jennica Garcia, napatakip sa tenga ng anak matapos siyang murahin dahil sa 'Saving Grace'
Jennica Garcia, napatakip sa tenga ng anak matapos siyang murahin dahil sa 'Saving Grace' (📷@mjamarfori/Tiktok, @primevideoph/Instagram)
Source: Instagram

Ayon sa aktres, ang pangyayari ay may kaugnayan sa kanyang pagganap bilang kontra-bida sa seryeng Saving Grace, na talagang pinanggigilan ng mga manonood dahil sa kanyang husay sa pag-arte.

Read also

Dating komedyanteng si Kuhol, sa isang multicab na lamang natutulog

Sa isang video na ibinahagi ng entertainment reporter na si MJ Marfori, inamin ni Jennica na nagulat siya sa pangyayari, lalo na’t karaniwan niyang nababasa lamang ang mga negatibong komento sa social media at hindi inaasahang maranasan ito nang harapan.

Bagama’t hindi na siya nagpaliwanag sa taong nagmura sa kanya, napagtanto niya na may mga tao talagang handang ipakita ang kanilang galit sa kanyang karakter, kahit sa pampublikong lugar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, matapos ang matagumpay nitong pagpapalabas sa isang online streaming app, nakatakda nang ipalabas sa telebisyon ang Saving Grace, na inaasahang lalo pang pag-uusapan ng mga manonood.

Masayang ding ibinahagi ni Jennica na nakalipat na sila ng kanyang dalawang anak sa mas malaking bahay noong Pebrero 15. Pinili niya ang two-bedroom apartment na may hagdan dahil ito ang nagustuhan ng kanyang mga anak kaysa sa three-bedroom unit na kapareho lang ng presyo.

Read also

Jennica Garcia, binahaging nakalipat na sa mas malaking bahay kasama ang mga anak

Si Jennica Garcia ay isang Filipina actress, host, at content creator. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia. Una siyang nakilala sa GMA Network, kung saan lumabas siya sa iba't ibang teleserye at programa, kabilang ang Gagambino, Jejemom, at Koreana.

Bukod sa kanyang acting career, naging bahagi rin siya ng ilang parenting vlogs at online content, lalo na matapos siyang maging hands-on mom sa kanyang mga anak. Matapos ang ilang taong pananahimik sa industriya, bumalik siya sa pag-arte at naging usap-usapan ang kanyang epektibong pagganap bilang kontra-bida sa Saving Grace.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Jam Ignacio, humingi ng tawad kay Jellie Aw: "Sobrang sorry"

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate