Moira dela Torre, inilabas ang music video ng "San Ka Na" kasama si Sam Concepcion
- Inilabas na ni Moira dela Torre ang music video ng kanyang bagong kanta na "San Ka Na", kung saan tampok ang aktor na si Sam Concepcion
- Ibinahagi ng singer-songwriter sa social media na kinunan nila ang video sa kanyang hometown, na may mahalagang papel sa kanyang mga alaala
- Isa si Moira sa mga pinakamatagumpay na OPM artists sa Spotify, na may mahigit 3.4 milyong buwanang tagapakinig at mga hit songs tulad ng "Paubaya" at "Tagpuan"
- Nilinaw ni Sam Milby sa isang panayam na walang kinalaman si Moira sa isyu ng kanyang hiwalayan kay Catriona Gray, ngunit inamin niyang hindi na sila magkaibigan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Opisyal nang inilabas ang music video para sa bagong kanta ng singer-songwriter na si Moira dela Torre na pinamagatang "San Ka Na."

Source: Instagram
Ang higit apat na minutong video ay mapapanood na sa opisyal na YouTube channel ng OPM hitmaker, kung saan tampok ang aktor na si Sam Concepcion.
Sa isang social media post noong Miyerkules ng gabi, Pebrero 19, ipinaabot ni dela Torre ang kanyang pasasalamat kay Concepcion sa pagiging bahagi ng proyekto.
"Hello! My music video for San Ka Na is out now ❤ I got to shoot this with a childhood friend (Thank you for doing this with me, Sam Concepcion!!!) in the place that holds most of my memories — my hometown," bahagi ng post ng mang-aawit sa Instagram.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang "San Ka Na," na siya mismo ang sumulat, ay unang inilabas noong Oktubre 2024.
Kilala si Moira dela Torre bilang isa sa mga pinakamatagumpay na Filipino artists sa streaming platform na Spotify, na may mahigit 3.4 milyong monthly listeners. Ilan sa kanyang pinasikat na kanta ay "Paubaya," "Tagpuan," at "Malaya."
Samantala, kamakailan ay nadawit ang pangalan ni dela Torre sa hiwalayan ng dating engaged couple na sina Sam Milby at Catriona Gray. Sa isang panayam ng ABS-CBN News, nilinaw ni Milby na walang kinalaman ang singer sa mga alegasyon ng third party.
Dagdag pa ng aktor, hindi na umano sila magkaibigan ni Moira dela Torre.
Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.
Matatandaang kinumpirma ng Cornerstone Entertainment na wala na si Moira Dela Torre sa kanilang talent roster. Nagdulot ng usap-usapan ang pag-unfollow ng Instagram account ng Cornerstone sa mang-aawit. Sinabi ni Mac Merla na pormal nang natapos ang kontrata ni Moira sa kanila ilang linggo na ang nakalipas. Naging maayos ang paghihiwalay ng Cornerstone at Moira matapos ang higit sampung taong pagsasama.
Napansin ng netizens na hindi na pina-follow nina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos, at iba pang Cornerstone artists si Moira Dela Torre sa Instagram. Lumutang ang isyung ito matapos ang ulat na tuluyan nang binitawan ng Cornerstone si Moira bilang talent dahil umano sa attitude problem. Maraming netizens ang nagbigay ng iba-ibang reaksyon, kabilang ang mga nagsasabing maaaring may valid na dahilan ang mga artist sa pag-unfollow kay Moira. Wala pang opisyal na pahayag sina Moira, Sam, at iba pang nabanggit na singers tungkol sa isyung ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh