Sam Milby, nilinaw na walang 3rd party sa paghihiwalay nila ni Catriona Gray
- Kinumpirma ni Sam Milby na tuluyan na silang naghiwalay ni Catriona Gray matapos ang halos isang taong espekulasyon
- Napansin ng mga tagahanga na tinanggal ni Gray ang kanilang engagement photos sa Instagram bago pa man nila opisyal na inamin ang hiwalayan
- Sa isang concert ni TJ Monterde, napansin ng mga tao na umiiyak si Catriona habang pinanonood ang pagtatanghal
- Sinabi ni Milby na hindi niya masasabing ano ang nararamdaman ni Gray ngunit tiniyak niyang maayos sila kahit pagkatapos ng concert
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kinumpirma ni Sam Milby nitong Martes na tuluyan na silang naghiwalay ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, matapos ang halos isang taong espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.

Source: Instagram
Iginiit ng aktor na wala umanong third party na dahilan ng kanilang paghihiwalay. "There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all," aniya.
Sa isang panayam sa ABS-CBN News sa media conference ng kanyang seryeng "Saving Grace," inamin ni Milby ang kanilang paghihiwalay ngunit iginiit na maayos ang kanilang kalagayan. "If you want to ask if we are okay, we are okay. Wala kaming problema," aniya.
Gayunpaman, naging usap-usapan kamakailan ang emosyonal na eksena sa isang concert ni TJ Monterde, kung saan nakita si Gray na lumuluha habang pinapanood ang pagtatanghal. Nang hingan ng reaksyon, sinabi ni Milby na hindi niya maaaring ipaliwanag ang nararamdaman ng kanyang dating kasintahan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"If you wanna ask her what she was feeling, I can't speak for her. I know that we're okay, kahit after nung concert I said, I'll go to the backstage. 'Cause we're okay," paliwanag ng aktor.
Ayon kay Milby, unang beses niyang marinig ang ilan sa mga emosyonal na awitin ni Monterde kaya hindi niya alam kung ano ang naging epekto nito kay Gray. Bagamat ilang upuan ang layo nila sa isa't isa, tiniyak niyang maayos pa rin ang kanilang pakikitungo sa isa't isa.
Sa ngayon, nakatuon si Milby sa kanyang trabaho at patuloy na personal na pag-unlad. "Focusing on work, just growing," sagot niya nang tanungin kung paano siya nagmo-move on mula sa breakup.
Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe.
Inalmahan ni Catriona Gray ang isang Faceboook page na nag-post tungkol sa kanya . Marami ang nawindang sa nilagay na pangalan sa naturang post dahil nakalagay ang apelyidong Milby sa pangalan niya. Nilinaw ni Catriona na Gray ang kanyang apelyido at hindi pa siya ikinakasal kay Sam. Pinabulaanan niya rin ang balitang kasali umano siya sa pelikulang tungkol sa buhay ni Jose Rizal.
Samantala, ibinida ni Catriona ang kanyang closet sa ikalawang bahagi ng kanyang Casa de Gray home tour. Pinaliwanag ni Catriona na kaya nakalabas halos lahat ng kanyang mga gamit dahil sa posibilidad na makalimutan niya at hindi na magamit ang mga ito. Pinakita niya rin na marami sa kanyang mga gamit ay gawang lokal at aniya ay nahilig siya sa mga ito. Para naman sa mga viewers niya ay nakakahanga si Catriona dahil kahit hindi na siya ang reigning Miss Universe ay tuloy ito sa pagtangkilik ng produktong Pilipino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh