Iya Villania, ikinuwento ang kanyang birthing story sa ika-limang anak
- Ibinahagi ni Iya Villania ang kanyang karanasan sa panganganak sa ika-limang anak nila ni Drew Arellano sa pamamagitan ng isang Instagram post
- Nakaranas siya ng prodromal labor nang ilang beses bago tuluyang manganak noong Pebrero 11, 2025 sa The Medical City
- Pagdating sa ospital, nalaman niyang siya ay anim na sentimetro nang dilated kaya agad siyang inihanda para sa panganganak
- Pumutok ang kanyang panubigan habang naglalakad sa delivery room at sa loob ng ilang sandali ay isinilang niya si Anya sa pinaka-natural na paraan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ng TV host at celebrity mom na si Iya Villania ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa panganganak sa ika-limang anak nila ni Drew Arellano, si Anya. Sa isang Instagram post noong Pebrero 17, 2025, ikinuwento ni Iya kung paano siya dumanas ng ilang ulit na prodromal labor bago tuluyang isilang ang kanyang sanggol.

Source: Instagram
Ayon kay Iya, noong Pebrero 2 ay nagtungo sila sa ospital matapos makaranas ng regular na light contractions kada walong minuto, ngunit kalaunan ay napag-alamang false labor lamang ito. Sa sumunod na linggo, ilang beses pa niyang naranasan ang ganitong kondisyon, kaya’t nagdesisyon siyang hintayin ang mas malinaw na senyales bago muling pumunta sa ospital.
Noong Pebrero 11 ng madaling-araw, muli niyang naramdaman ang contractions ngunit nagpasya munang ipagwalang-bahala ito. Sa halip na tumuloy sa ospital, nagtungo pa siya sa gym upang maglakad sa treadmill, subalit kalaunan ay napagtantong dumadalas na ang contractions. Sinabihan siya ng kanyang doktor na maaaring nagsisimula na siyang dilate, kaya’t nagdesisyon siyang tumungo na sa ospital.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pagdating sa ospital bandang alas-diyes ng umaga, napag-alamang siya ay anim na sentimetro nang dilated at 60% effaced, kaya’t agad siyang inihanda para sa panganganak. Habang naglalakad sa delivery room, biglang pumutok ang kanyang panubigan, at ilang sandali lang ay isinilang na niya si Anya sa paraang pinaka-natural para sa kanya.
Ayon kay Iya, pakiramdam niya ay isinakatuparan ng Diyos ang kanyang pangarap na home birth ngunit sa loob ng isang ligtas na ospital. Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga doktor at nurse sa The Medical City na naging mabilis sa pag-asikaso sa kanya, pati na rin sa kanyang asawang si Drew na kahit kinakabahan ay naidokumento ang buong pangyayari.
Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.
Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.
Kamakailan ay binahagi ni Iya na tuluyan nang natanggal ang front teeth ng anak niyang si Leon sa edad na limang taon. Ikinuwento niya na inakala nila ni Drew na na-save nila sa pagkakabunot ang dalawang ngipin nito nang unang matumba siya. Gayunpaman, masaya daw ang kanyang anak kaya kinalaunan ay mayroon siyang napagtanto. Aniya, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng anak niya at aminado siyang naisip niya ang maaring sabihin ng ibang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh