Cristine Reyes, nag-react matapos mag-viral ang kanyang post tungkol kay Barbie Hsu
- Binatikos ng netizens si Cristine Reyes matapos niyang ibahagi ang isang larawan kasama ang yumaong Taiwanese actress na si Barbie Hsu kasabay ng pagbati sa kanyang sarili sa kanyang ika-36 na kaarawan
- Agad na nag-trending ang aktres sa X matapos kumalat ang screenshot ng kanyang post at umani ito ng negatibong komento mula sa netizens
- Tinawag ng ilan ang kanyang post na "insensitive" at "playtime," dahilan upang burahin niya ito sa Facebook
- Sumagot si Cristine sa mga batikos sa pamamagitan ng isang bagong post kung saan ipinahayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging perpekto at ang matinding reaksyon ng publiko sa kanyang pagkakamali
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Usap-usapan ngayon sa social media ang aktres na si Cristine Reyes matapos niyang magbahagi ng isang larawan kasama ang yumaong Taiwanese star na si Barbie Hsu sa kanyang Facebook account.
Sa kanyang post noong Miyerkules, Pebrero 5, kasabay ng kanyang ika-36 na kaarawan, inalala ni Cristine ang pagkawala ng aktres na gumanap bilang "Shan Cai" sa sikat na seryeng Meteor Garden.
"Rest in peace our childhood favorite," saad niya sa caption.
"Also, happy 36th birthday to me today."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngunit hindi ito nagustuhan ng maraming netizens, na tila nainis sa pagsabay ng kanyang pagbati sa sarili sa isang post ng pagluluksa. Agad siyang nag-trending sa X (dating Twitter) at bumaha ng mga reaksyon at komento mula sa mga netizens.
Narito ang ilan sa mga naging pahayag ng netizens:
- "Cristine, you're welcome, hahaha."
- "Rest in peace and happy birthday!"
- "Cristine Reyes' post on Barbie Hsu is stupid and insensitive."
- "Dual Purpose Queen Cristine Reyes."
- "Cristine Reyes' post is playtime huhu."
Matapos ang matinding pambabatikos, agad na binura ni Cristine ang kanyang post. Gayunpaman, hindi rito nagtapos ang isyu, dahil sumagot ang aktres sa kanyang mga kritiko sa pamamagitan ng isa pang social media post.
"2.5.25
Maligayang Kaarawan sa akin. Yun na lang. Oks na!?
Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays.. May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba?
Marahil ako nga talaga ay nagluluksa ngayong kaarawan ko. Good?"
Iba't iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa kanyang tugon—may ilan na naunawaan siya, ngunit may ilan din na patuloy siyang pinuna. Sa kabila ng kontrobersiya, nananatili pa ring trending ang pangalan ni Cristine Reyes sa social media.
Si Cristine Reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.
Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.
Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh