Willie Revillame, hindi iniwan ang ama ng nasawing lady pilot
- Nasawi ang 25-anyos na piloto na si Julia Flori Monzon Po matapos bumagsak ang kanyang helicopter sa isang creek sa Guimba, Nueva Ecija noong Sabado ng hapon
- Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na si Po ang nag-iisang sakay at piloto ng Robinson helicopter RP-C 4324 na bumagsak matapos mag-refuel sa Binalonan, Pangasinan
- Dumalo si Willie Revillame, na malapit sa pamilya Po, sa burol ng piloto kasama ang anak niyang si Meryll Soriano upang makiramay sa mga naulila
- Dumagsa rin sa burol ang ilang kilalang personalidad sa pulitika kabilang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senators Bato dela Rosa, Bong Go, at JV Ejercito
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang trahedya ang naganap noong Sabado ng hapon sa Guimba, Nueva Ecija matapos bumagsak ang isang helicopter sa isang creek, na nagresulta sa pagkamatay ng nag-iisang sakay nito.
Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na si Po ang pilot-in-command ng Robinson helicopter RP-C 4324, na bumagsak matapos umalis mula Binalonan, Pangasinan patungong Maynila.
Kinumpirma sa ulat ni Jun Lalin ng Abante na ang babaeng piloto na nasawi sa bumagsak na helicopter sa isang creek sa Guimba, Nueva Ecija noong Sabado ay si Julia Flori Monzon Po, 25-anyos. Isa siya sa mga piloto ng TV host-producer na si Willie Revillame.
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, nag-ulat ang Guimba Police Station tungkol sa insidente bandang 5:20 p.m. noong Sabado matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen. "Isa po ang laman or 'yung pilot in command lang ho. It was a lady pilot. Unfortunately, hindi po nag-survive," ani Apolonio sa panayam ng Super Radyo dzBB.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad namang nagtungo si Willie Revillame, TV host at producer ng Wil To Win, sa funeral parlor sa Guimba kung saan dinala ang mga labi ni Po. Kilala si Po bilang isa sa kanyang mga piloto at malapit na kaibigan ng kanilang pamilya.
Ayon kay Jocelyn, kaibigan ng pamilya Po, "Willie was with my brother (Archie Po) till 5:00 a.m. (Sunday). He stayed by his side. Sobrang concerned si Willie kay Archie at sa kanyang pamilya." Dumalo rin sa unang gabi ng burol si Meryll Soriano, anak ni Revillame, bilang paggunita kay Julia.
Bukod sa mga malalapit na kaibigan at pamilya, nagbigay rin ng respeto sa burol ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno. Dumalo sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senators Bato dela Rosa, Bong Go, at JV Ejercito noong Linggo ng gabi upang makiramay sa pamilya ng nasawing piloto.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ng CAAP ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter. Naglabas ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng emergency locator transmitter alerts mula 7:04 p.m. hanggang 7:14 p.m. noong Sabado, na tumulong sa pagsubaybay sa aksidente.
Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.
Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito.
Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh