Netizens, napansing hindi naka-follow kay Moira Dela Torre ang ilang mga Cornerstone artists
- Napansin ng netizens na hindi na pina-follow nina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos, at iba pang Cornerstone artists si Moira Dela Torre sa Instagram
- Lumutang ang isyung ito matapos ang ulat na tuluyan nang binitawan ng Cornerstone si Moira bilang talent dahil umano sa attitude problem
- Maraming netizens ang nagbigay ng iba-ibang reaksyon, kabilang ang mga nagsasabing maaaring may valid na dahilan ang mga artist sa pag-unfollow kay Moira
- Wala pang opisyal na pahayag sina Moira, Sam, at iba pang nabanggit na singers tungkol sa isyung ito, ngunit bukas ang BANDERA para sa kanilang panig
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Usap-usapan ngayon sa social media si Moira Dela Torre matapos mapansin ng netizens na hindi na siya pina-follow ng ilang mga kapwa niya singers at kaibigan sa industriya.
yon sa mga netizens, kabilang sa mga hindi na naka-follow kay Moira sa Instagram sina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos, TJ Monterde, at ilan pang music artists na may kaugnayan sa talent management na Cornerstone. Ito ay lumutang ilang linggo matapos ang ulat ng showbiz insider na si Ogie Diaz na tuluyan nang binitawan ng Cornerstone si Moira bilang kanilang talent.
Ang higit na nakatawag ng pansin sa usaping ito ay ang tila pagkawala ng pagsubaybay ni Sam Milby kay Moira sa kanyang official Instagram account, gayong matagal nang alam ng marami na malapit ang kanilang pagkakaibigan. Gayunpaman, napansin din ng ilan na naka-follow pa rin si Sam sa isang pangalawang Instagram account ni Moira, na @moiraslion, kung saan tampok ang kanyang mga alagang hayop.
Sa Twitter, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens hinggil sa isyung ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang noong Disyembre 2024, ibinunyag ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube show na "Showbiz Update" na natanggal na umano si Moira sa Cornerstone dahil sa umano'y "attitude problem."
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Moira, Sam, at iba pang mga nabanggit na singers tungkol sa isyung ito. Bukas ang KAMI para sa kanilang panig at paglilinaw sa usaping ito.
Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.
Pinatunayan ni Moira na siya nga ang Hugot Queen matapos nitong kantahin ang mga awiting ayon sa kanyang fans ay talaga namang mapanakit. Sa kanyang katatapos lang na concert ay usap-usapan ang mga makahulugang awitin ni Moira.
Sinagot ni Moira ang komento ng isang netizen sa kanyang post sa Facebook. Sinabihan siya ng naturang Facebook user na pwede na daw siyang sumali sa blind date.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh