Regine, nilinaw ang paglublob umano sa kanya sa drum ng kanyang ama

Regine, nilinaw ang paglublob umano sa kanya sa drum ng kanyang ama

  • Nilinaw ni Regine Velasquez ang animo'y urban legend na paglublob umano sa kanya ng kanyang ama sa drum na may tubig
  • Aminado si Regine na hindi niya alam kung saan nanggaling ang kwentong ito
  • Subalit nilinaw niya ang tamang proseso at konsepto na pinagagawa sa kanya ng kanyang Tatay Gerry
  • Aniya, malaking bahagi ito ng pagiging isang mahusay niyang mang-aawit

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa mga nilinaw ni Regine Velasquez ay ang maituturing na urban legend kung saan nilulublob daw umano siya ng kanyang ama sa drum na may tubig.

Regine
Regine, nilinaw ang paglublob umano sa kanya sa drum ng kanyang ama (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Matatandaang, karamihan sa mga kabataang nais na gumaling sa pagkanta, ginagaya ang sinasabing gawain na ito ni Regine na talaga namang pinaniniwalaan ng marami hanggang ngayon.Matatandaang, karamihan sa mga kabataang nais na gumaling sa pagkanta, ginagaya ang sinasabing gawain na ito ni Regine na talaga namang pinaniniwalaan ng marami hanggang ngayon.

"Actually, hindi ako nilulublob sa drum ng tatay ko and I don't know where it came from. but ang sa akin, sa dagat," paglilinaw ng nag-iisang Asia's Songbird.

Read also

Regine, ibinahagi ang tungkol sa sakit: "It's very very painful

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pinapakanta ako ng tatay ko, the water's up to my neck. Syempre paano ko makakakanta kung nasa ilalim," pagpapatuloy niya.

"'Di ba mahirap huminga 'pag nasa dagat kasi it's heavier or kahit actually nasa pool eh mabigat 'yung tubig sa dibdib e," paliwanag niya na bagama;t mas mahirap kumanta habang nakalubog ang katawan sa tubig, kung siya nama'y naalis na roon, mas lalakas umano ang kanyang stomach muscles at lungs.

Kahit matagal nang namayapa ang kanyang ama, aminado si Regine na hanggang ngayon, ginagawa pa rin niya ito. Minsan pa nga, ang kanyang mister na si Ogie Alcasid ang nagpapaalala sa kanya na gawin niya ito.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang mga pelikula at isa din umano siyang producer.

Read also

Lalaking umano'y nabalian dahil sa chiropractic session, pumanaw na

Masaya ang fans ni Regine nang maging host din ito ng 'Magandang Buhay' kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco kung saan napapanood nila ito noon, araw-araw.

Matatandaang inamin ni Regine na siya umano'y nahihiya nang mabalitaang mayroon umanong petisyon na gawin siyang national artist. Aniya, marami pa umanong nararapat na mauna nitong bigyan at hiling niyang maigawad ito habang nabubuhay pa ang mga taong natukoy niya.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan, naikwento nito ang matinding dinaranas sa tuwing sinusumpong siya ng kanyang karamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica