Dawn Chang, dedma sa patutsada ni Chie Filomeno kaugnay sa kanyang pahayag
- Dinedma ni Dawn Chang ang patutsada ni Chie Filomeno tungkol sa isyu ng kanilang nakaraan sa “It’s Showtime”
- Nag-ugat ang patutsada ni Chie mula sa interview ni Dawn kung saan inamin nito na nakaaway niya ang isang artistang may initials na katulad ni Cristy Fermin
- Mariing itinanggi ni Chie ang mga pahayag ni Dawn at tinawag itong kasinungalingan sa isang post sa X
- Nag-post lamang si Dawn tungkol sa kanyang eyelash extensions at hindi sinagot ang mga tirada ni Chie
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Tila hindi pinansin ni Dawn Chang ang naging patutsada laban sa kanya ng Kapamilya star na si Chie Filomeno sa social media. Nag-ugat ang isyu matapos ang interview ni Dawn sa isang online show kung saan tinanong siya tungkol sa isang artistang nakaalitan niya noon.
Ayon kay Dawn, ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili sa naturang away, at idinagdag pa niyang kaparehas ng initials ni Cristy Fermin ang tinutukoy niyang artista. Bagamat hindi niya pinangalanan, pumalag si Chie at tinawag na kasinungalingan ang mga sinabi ni Dawn.
Sa X, sinabi ni Chie, “Oh bakit nahiya ka pa pangalanan ako @thedawnchang? About the rehearsal, that NEVER happened. Alam ng prod sa Showtime yun.” Dagdag pa niya, naka-move on na raw siya at tahimik na ang kanyang buhay, ngunit tila hindi pa rin makalimot si Dawn.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, nanatiling unbothered si Dawn at nag-post lamang tungkol sa kanyang eyelash extensions, dahilan para mabitin ang mga netizen na abangers sa posibleng sagot niya. Matatandaang parehong miyembro ng GirlTrends sina Chie at Dawn noong bahagi pa sila ng “It’s Showtime,” ngunit kalaunan ay nag-disband ang grupo.
Si Dawn Chang ay isang Filipina dancer, actress, singer, at entrepreneur. Nakilala siya bilang isa sa mga housemates sa reality show na "Pinoy Big Brother: 737" noong 2015, kung saan naipakita niya ang kanyang husay sa pagsayaw. Pagkatapos ng kanyang PBB stint, naging miyembro siya ng GirlTrends, ang all-female dance group ng noontime show na "It’s Showtime."
Kamakailan nga ay binanggit ni Chie Filomeno si Dawn Chang matapos magbahagi ng isang blind item ang huli sa isang panayam.
Muling nagsalita si Chie Filomeno at nagbigay ng payo kay Dawn Chang na bitawan na ang kanilang mga isyu sa nakaraan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh