Miss Glenda, binahagi ang pinagdaanang pagsubok sa kanyang kalusugan: "I almost died, many times"

Miss Glenda, binahagi ang pinagdaanang pagsubok sa kanyang kalusugan: "I almost died, many times"

  • Ibinahagi ni Miss Glenda ang kanyang pinagdaanang pagsubok sa kalusugan noong 2024 at halos isang taon siyang nasa ospital
  • Nagsimula ang kanyang kalagayan sa matinding bleeding na nauwi sa pagpapasalin ng dugo at pagtanggal ng kanyang uterus
  • Ayon kay Miss Glenda, bumagsak ang kanyang immune system dahil sa matagal niyang kondisyon na anemia kaya siya'y nawalan ng lakas
  • Muling bumangon si Miss Glenda at inanunsyo na siya ngayon ay 100% na malusog at muling nagtagumpay sa TikTok Shop Philippines

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ng kilalang negosyante at TikTok personality na si Miss Glenda ang kanyang mapait na karanasan sa kalusugan noong 2024, na halos naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. Ayon sa kanyang Facebook post, halos isang taon siyang nasa ospital, nagsimula ito noong Enero nang siya ay maoperahan at masalinan ng dugo.

Miss Glenda, binahagi ang pinagdaanang pagsubok sa kanyang kalusugan: "I almost died, many times"
Miss Glenda, binahagi ang pinagdaanang pagsubok sa kanyang kalusugan: "I almost died, many times" (Glenda Dela Cruz/Facebook)
Source: Facebook

Aniya, nagdusa siya sa matinding bleeding at kalaunan ay napilitang ipatanggal ang kanyang uterus matapos makitaan ng abnormalidad sa ultrasound. Dagdag pa niya, ang matagal na pagiging anemic ang dahilan ng pagbagsak ng kanyang immune system, na nagdulot ng seryosong komplikasyon.

Read also

Heart Evangelista, nag-share ng bagong larawan ng kanyang furbaby na si "Queen P"

Sa kabila ng lahat, ipinaabot ni Miss Glenda ang taos-pusong pasasalamat sa Panginoon at sa mga taong nag-alaga sa kanya. Sa kabila ng mga pagsubok, muli siyang bumangon at inanunsyo na siya ngayon ay 100% na malusog at muling nagtagumpay bilang "koronang reyna" sa TikTok Shop Philippines.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinuri ng netizens ang kanyang determinasyon at pananampalataya sa gitna ng pagsubok. Ayon kay Miss Glenda, "The Lord will fight for you; you need only to be still" (Exodus 14:14), na nagsilbing gabay niya sa kanyang pagbawi at tagumpay.

Si Glenda Dela Cruz ay CEO ng skin care company na Brilliant Skin Essentials, Inc. Bukod sa pagiging CEO ay gumagawa din siya ng videos at YouTube content. Isa siya sa mga skin care product CEO na may maraming followers sa social media.

Matatandaang si Andrea Brillantes ang nakasama ng ni Miss Glenda sa kanyang binahaging video sa YouTube. Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto.

Read also

Rufa Mae Quinto, binahagi ang tungkol sa aniya'y 'help, help hooray" ni Willie Revillame sa kanya

Si Jillian Ward naman ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ni Miss Glenda. Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: