Mura at ama, sumailalim sa medical check-up at nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation

Mura at ama, sumailalim sa medical check-up at nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation

  • Nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation si Allan "Mura" Padua at ang kanyang ama
  • Nagbigay ang foundation ng groceries, hygiene kits, at medical check-up sa mag-ama sa Albay
  • Nawalan ng bahay si Mura noong 2024 matapos masunog ang kanilang tahanan sa Ligao City
  • Umaasa si Mura na makabalik sa showbiz habang ginagampanan ang tungkulin sa pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sumailalim sa medical check-up sina Allan "Mura" Padua at ang kanyang ama sa tulong ng GMA Kapuso Foundation. Ang dating komedyante, na nakilala noong early 2000s, ay binisita ng foundation sa kanilang relief operations sa Bicol Region.

Mura at ama, sumailalim sa medical check-up at nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation
Mura at ama, sumailalim sa medical check-up at nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation (GMA Integrated News/YouTube)
Source: Youtube

Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ni Mura na bagamat gumaling na ang kanyang hip injury mula sa aksidenteng nangyari noong 2010, nahihirapan pa rin siyang maglakad. "Sinemento siya, may casting siya, so humilom naman siya kaya umikli naman konti 'yung paa ko, siguro dalawang pulgada. Minsan nadadapa na lang ako," ani Mura.

Read also

Charo Santos, kinaaliwan sa kanyang binahaging BTS ng eksena nya sa Batang Quiapo

Dagdag pa rito, sa Abril 2024 ay nasunog ang bahay ni Mura sa Ligao City, Albay. Sa kabila ng pagsubok, unti-unti siyang bumangon sa tulong ng mga nagpaabot ng suporta. "Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kanilang lahat, binigyan nila ako ng pag-asa. Ang hirap pag wala ka talagang sariling bahay," pahayag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasama ang Ligao City Health Officer na si Dr. Marissa Dela Cerna, sinuri ang kalusugan ni Mura at ng kanyang ama. Natukoy na ang ama ni Mura ay may bali sa kanang hita na nangangailangan ng bakal, ngunit tumanggi itong magpa-opera. Regular na nagbibigay ng gamot at bitamina ang Ligao City Health Office sa mag-ama kada buwan.

Nagbigay din ang GMA Kapuso Foundation ng groceries at hygiene kits bilang karagdagang tulong. Ayon kay Mura, umaasa siyang magkakaroon pa siya ng lakas upang magampanan ang kanyang responsibilidad sa pamilya at magkaroon muli ng pagkakataong magbalik-showbiz.

"Bigyan niya ko ng karagdagang lakas para syempre magampanan ko 'yung tungkulin ko rito sa pamilya namin. Kung sakali, baka pwede pa maging artista ulit," ani Mura.

Read also

Vic Sotto, walang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap

Si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang sumikat nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero.

Matatandaang matapos sumikat ang video ng vlogger na si Virgelyncares, marami ang nakapansin at nais tumulong kay Mura. Kabilang nga sa pumunta sa kanya ay ang dating ka-tandem nito na si Mahal Tesorero.

Naging masaya ang kanilang muling pagkikita. Gayunpaman, napalitan ang kasiyahang iyon ng kalungkutan matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Mahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate