Cristy Fermin, binanatan si Darryl Yap dahil sa pelikula nito: 'Wala kang alam!'

Cristy Fermin, binanatan si Darryl Yap dahil sa pelikula nito: 'Wala kang alam!'

  • Kinontra ni Cristy Fermin ang pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" ni Darryl Yap dahil sa umano'y kawalan ng respeto sa kapuwa
  • Tinuligsa ni Cristy ang layunin ni Yap at binatikos ang tila pagdadawit kay Vic Sotto sa teaser ng pelikula
  • Ayon kay Cristy, hindi dapat ginagawa ang pelikula base lamang sa personal na kagustuhan at dapat may limitasyon ang paglalatag ng kuwento
  • Muling naging kontrobersyal ang kaso ni Pepsi Paloma matapos ang anunsiyo ni Yap tungkol sa pelikula noong Oktubre 2024

Nagbigay ng kontrobersiyal na pahayag ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin kaugnay ng bagong pelikula ng direktor na si Darryl Yap na talaga namang pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Cristy Fermin, binanatan si Darryl Yap dahil sa pelikula nito: 'Wala kang alam!'
Cristy Fermin, binanatan si Darryl Yap dahil sa pelikula nito: 'Wala kang alam!' (Showbiz Now Na! | YouTube, Darryl Yap | Facebook)
Source: Youtube

Sa episode ng kanyang programang Showbiz Now Na noong Linggo, Enero 5, inamin ni Cristy na hindi niya suportado ang pelikulang ito kahit pa natutuwa siya sa mga atake ng direktor paminsan-minsan.

Binatikos din niya ang layunin ng direktor sa paggawa ng proyekto. “Kahit pa magkababayan kayo sa Olongapo, wala kang alam. Anong sabi ko sa ‘yo? Bakit kailangan mo pa itong gawin? Ano ang iyong layunin?” tanong niya.

Read also

Sofronio Vasquez, emosyonal na nagbalik-tanaw sa kanyang It's Showtime Homecoming

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Cristy, may hangganan ang paglalatag ng kuwento, at hindi dapat ito ginagawa batay lamang sa personal na kagustuhan.

“Mayro’n tayong tinatawag na respeto sa ating kawa. Dapat nando’n pa rin ‘yon. Hindi nawawala,” aniya.

Muling naging usap-usapan ang pangalan ni Pepsi Paloma matapos ianunsiyo ni Yap noong Oktubre 2024 ang paggawa ng pelikula tungkol sa mga diumano’y gumahasa sa nasabing aktres noong dekada '80.

Lalo pang naging kontrobersyal ang proyekto nang mabanggit sa inilabas na teaser ni Yap ang pangalan ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto, dahilan upang umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa publiko at mga personalidad sa industriya.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Read also

Ion Perez, muling napagdiskitahan ang wig ni Vice Ganda

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate