Vice Ganda, Nag-react sa mga kritiko ng It's Showtime kaugnay ng tagumpay ni Sofronio Vasquez

Vice Ganda, Nag-react sa mga kritiko ng It's Showtime kaugnay ng tagumpay ni Sofronio Vasquez

  • Nag-"belat" si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa It's Showtime kaugnay ng pagbati nila kay Sofronio Vasquez sa tagumpay nito sa The Voice USA
  • Tinawag ng It's Showtime na "our very own" si Sofronio, na tatlong beses sumali ngunit natalo sa Tawag ng Tanghalan
  • Ibinahagi ni Sofronio na naging vocal coach siya ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan matapos siyang bigyan ng trabaho ng It's Showtime
  • Nagpasalamat si Sofronio sa It's Showtime at itinuturing ito bilang bahagi ng kanyang tagumpay sa The Voice USA

Dalawang beses nag-"belat" si Vice Ganda bilang tugon sa mga netizens na bumatikos sa It’s Showtime matapos manalo si Sofronio Vasquez bilang kauna-unahang Asian grand champion sa 26th Season ng The Voice USA noong Disyembre 10, 2024.

Vice Ganda, Nag-react sa mga kritiko ng It's Showtime kaugnay ng tagumpay ni Sofronio Vasquez
Vice Ganda, Nag-react sa mga kritiko ng It's Showtime kaugnay ng tagumpay ni Sofronio Vasquez (GMA Network | YouTube)
Source: Youtube

Si Sofronio ay tatlong beses nang sumali sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime, ngunit hindi pinalad na magwagi. Gayunpaman, matapos ang kanyang tagumpay sa The Voice USA, isa ang mga host ng It’s Showtime sa mga unang bumati sa kanya at tinawag pa siyang “our very own.”

Read also

Sofronio Vasquez, emosyonal na nagbalik-tanaw sa kanyang It's Showtime Homecoming

Ikinagalit ng ilang netizens ang pagbati ng programa kay Sofronio, na kanilang pinuna bilang “pag-aangkin” sa mang-aawit kahit hindi ito nanalo sa Tawag ng Tanghalan. Sa kabila nito, mainit na pagsalubong at papuri ang ibinigay ng mga host ng programa kay Sofronio.

Sa kanyang pahayag, tila sinumbong ni Vice Ganda kay Sofronio ang mga batikos na natanggap ng It’s Showtime online:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Alam mo ba binati ka lang dito ng Showtime, ang dami nang nagtalakan sa Twitter.

‘Ngayon pinapansin ninyo si Sofronio. Ngayon, inaangkin ninyo si Sofronio, kung maka-‘our very own’ kayo.’”

Ibinahagi ni Vice na si Sofronio ay nanatiling malapit sa programa kahit matapos ang kanyang pagkatalo sa Tawag ng Tanghalan.

“After niyang mag-TNT, kahit hindi siya nagtagumpay dito, he stayed. Naging vocal coach siya ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan. Hindi ninyo alam yon kaya talagang pamilya siya kaya...” ani Vice, sabay belat sa mga bumabatikos.

Pinatotohanan naman ni Sofronio ang sinabi ni Vice at ibinahagi na ang programa ang nagbigay sa kanya ng trabaho bilang vocal coach matapos ang kanyang pagkatalo.

Read also

Ion Perez, muling napagdiskitahan ang wig ni Vice Ganda

Malaki ang pasasalamat ni Sofronio sa It’s Showtime, na itinuturing niyang naging bahagi ng kanyang tagumpay sa The Voice USA. Sa gitna ng mga kontrobersiya, nananatili ang suporta ng programa at ng mga host nito sa mang-aawit, na ngayon ay kinikilala bilang isang huwaran sa mundo ng musika.

Si Sofronio Vasquez ay isang Filipino singer na nakilala matapos maging kampeon ng The Voice Season 26 sa Amerika. Bago nito, sumali siya sa mga lokal na singing competition sa Pilipinas tulad ng Tawag ng Tanghalan at The Voice Philippines.Si Sofronio Vasquez ay isang Filipino singer na nakilala matapos maging kampeon ng The Voice Season 26 sa Amerika. Bago nito, sumali siya sa mga lokal na singing competition sa Pilipinas tulad ng Tawag ng Tanghalan at The Voice Philippines.

Nagbahagi ng kanyang saloobin si Michael Bublé, coach sa The Voice US, matapos ang finals night ng sikat na singing competition kung saan nagpakitang-gilas ang Pilipinong singer na si Sofronio Vasquez. Sa panayam ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe, inihayag ni Bublé ang posibilidad na makagawa ng kasaysayan si Sofronio.

Read also

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga nang-intriga sa New Year’s eve post niya

Pinasikat ng Filipino singer na si Sofronio Vasquez ang pangalan ng bansa matapos siyang tanghaling kampeon sa Season 26 ng The Voice ngayong Martes, Disyembre 10. Ang tagumpay na ito ay nagdala rin ng unang panalo para kay Michael Bublé bilang coach sa kanyang debut season.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate