Mommy ni Barbie Forteza, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post

Mommy ni Barbie Forteza, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post

  • Pinag-usapan ang cryptic messages na ipinost nina Mommy Amy at Gabrielle Vierneza na may kinalaman sa diumano'y hiwalayan nina Barbie Forteza at Jak Roberto
  • Pinabulaanan ni Mommy Amy ang mga intriga at nilinaw na hindi nila pinaringgan si Jak
  • Ipinahayag ni Mommy Amy na sobrang proud sila kay Barbie sa pagiging matatag nito sa lahat ng aspeto ng buhay
  • Hindi nagbigay si Mommy Amy ng negatibong pahayag tungkol kay Jak at hindi rin nagsalita tungkol sa relasyon ng anak na si Barbie at si Jak

Usap-usapan ngayon ang cryptic messages na ipinost ng nanay ni Barbie Forteza, si Mommy Amy, at ng kanyang ate na si Gabrielle Vierneza, na may kinalaman daw sa diumano'y hiwalayan ng Kapuso actress at ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto. Ayon sa ilang mga netizens, may mga palagay na ang mga post ng mag-ina ay may kinalaman sa ex-boyfriend ni Barbie.

Mommy ni Barbie Forteza, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post
Mommy ni Barbie Forteza, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post
Source: Instagram

Dahil sa mga intriga, nagpadala ng Viber message ang Abante kay Mommy Amy upang tanungin siya tungkol sa mga haka-haka. Ayon sa kanyang sagot, hindi nila pinapansin ang mga ganitong usapin at inaasahan na nila ang mga reaksyon ng ibang tao. Aniya, "Hindi na lang po namin pinapansin ang mga ganyan. Expected na po namin ‘yan. May mga matutuwa, may mga malulungkot. Hindi po namin pinaringgan si Jak."

Read also

Ruffa Gutierrez, pumalag sa mga nang-intriga sa New Year’s eve post niya

Inamin ni Mommy Amy na proud na proud sila kay Barbie sa pagiging matatag nito at iyon daw ang ibig nilang iparating sa kanilang mga post, na akala ng iba ay cryptic messages. “Proud na proud po kami kay Barbie. Sa pagiging strong niya sa lahat ng bagay. Iyon lang po ang ibig naming sabihin (sa post namin),” paglilinaw ni Mommy Amy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga intriga, hindi nagbigay si Mommy Amy ng anumang negatibong pahayag tungkol kay Jak, at wala rin siyang binanggit na anuman tungkol sa status ng relasyon ni Barbie at Jak.

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Read also

Vin Abrenica, sinagot ang netizen na pumuna sa pagpapakain nya ng Jolly Spaghetti sa anak

Kinaaliwan si Barbie Forteza nang muli siyang maging guest host sa It's Showtime. Sa segment na Tawag ng Tanghalan, napakanta si Barbie matapos siyang pakantahin ni Vice Ganda ng awiting 'Meron Ba?'

Opisyal nang pagmamay-ari ng pamilya ni Barbie Forteza ang kanilang bagong tahanan na tinawag nilang “B Casa.” Masayang inanunsyo ng aktres ang milestone na ito sa pamamagitan ng isang post sa social media, kalakip ang mga larawan kasama ang kanyang pamilya habang nag-toast malapit sa kanilang Christmas tree.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate