Jose Manalo at Mergene Maranan, nagkwento sa tungkol sa pinagdaanan ng relasyon nila
- Ikinasal sina Jose Manalo at Mergene Maranan sa isang star-studded wedding sa Boracay noong Disyembre 17, 2024
- Ibinalita ni Jose na nag-propose siya kay Mergene noong Pebrero 2024 sa Boracay, kasabay ng kanyang kaarawan
- Ibinahagi nina Jose at Mergene ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, kabilang ang halos pagsuko noong 2023
- Humiling si Mergene ng patnubay mula sa Diyos upang malaman kung sila ni Jose ang nakatakdang magsama habang buhay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang maraming pagsubok, opisyal nang mag-asawa ang "Eat Bulaga!" host na si Jose Manalo, 58, at dating EB Babes dancer na si Mergene Maranan, 37, matapos ganapin ang kanilang star-studded wedding sa Boracay noong Disyembre 17, 2024. Dumalo sa kasalan ang kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigang Dabarkads mula sa "Eat Bulaga!"
Hindi masyadong ibinunyag sa publiko ang kanilang relasyon, na sinasabing nagsimula noong bahagi pa ng "Eat Bulaga!" si Mergene bilang miyembro ng EB Babes. Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pinagdaanan sa segment na “Bawal Judgmental Ka Ba?” noong Enero 4, 2025.
Ayon kay Mergene, maraming hamon ang kanilang relasyon, kabilang na ang sitwasyon limang taon na ang nakalilipas at ang mga pagsubok noong kanilang biyahe sa U.S. noong 2023. Sa panahong iyon, aminado si Mergene na dumating sila sa puntong halos sumuko na sa kanilang relasyon ngunit humiling siya ng patnubay at senyales mula sa Diyos para sa tamang desisyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Noong Pebrero 2024, araw ng kaarawan ni Jose, nag-propose siya kay Mergene sa kanilang bakasyon sa Boracay. Pinili rin nilang sa parehong lugar gawin ang kanilang kasal, katuwang ang kanilang pagmamahal at mga panalangin para sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.
Si Jose Manalo ay isang sikat na komedyante, host, at aktor sa Pilipinas na kilala sa kanyang husay sa pagpapatawa at pagiging bahagi ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! sa GMA Network. Sa loob ng maraming taon, naging bahagi siya ng iconic trio kasama sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, na mas kilala bilang JoWaPao.
Pinagtanggol ni Tugue Zombie si Jose Manalo laban sa mga negatibong komento kaugnay sa umano'y naging biro ni Jose tungkol sa kulay ng balat niya. Aniya, walang mali sa naging biro ni Jose Manalo sa kanilang segment na Sugod Bahay mga Kapatid.
Samantala, ayon kay Rendon Labador, bibigyan niya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng oras hanggang Lunes kaugnay sa kanyang reklamo tungkol kay Jose Manalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh