Vanessa Raval, ni-repost ang 'Sending to Ex' video ni Kylie Padilla

Vanessa Raval, ni-repost ang 'Sending to Ex' video ni Kylie Padilla

- Gumawa si Kylie Padilla ng TikTok post kung saan nakiuso siya sa 'Sending to Ex' trend

- Gayunpaman, may pagbawi si Kylie at nakalagay sa kanyang post na nagbibiro lamang siya

- Marami ang nakapansin na ni-repost ito ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval

- Si AJ ang kasalukuyang karelasyon ng ex ni Kylie at ama ng kanyang mga anak na si Aljur Abrenica

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-repost ni Vanessa Raval sa TikTok video ni Kylie Padilla na nagpapakita ng kanyang pagsali sa 'Sending to Ex' trend.

Vanessa Raval, ni-repost ang 'Sending to Ex' video ni Kylie Padilla
Vanessa Raval, ni-repost ang 'Sending to Ex' video ni Kylie Padilla
Source: Facebook

Sa naturang video, pabirong sinabi ni Kylie na ipapadala niya ang mensahe sa kanyang ex. Gayunpaman, agad din niyang binawi ito at nilinaw sa caption na nagbibiro lamang siya. "LOL kidding," ayon kay Kylie, na nag-iwan ng tawa at aliw sa kanyang followers.

Subalit ikinagulat ng marami nang mapansin na ni-repost ito ng kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval. Maraming netizen ang nagtanong kung may nais ipahiwatig si Vanessa sa kanyang hakbang, lalo’t kilala si AJ bilang kasalukuyang karelasyon ng ex ni Kylie at ama ng kanyang mga anak na si Aljur Abrenica.

Read also

Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama't walang direktang pahayag si Vanessa kaugnay sa kanyang pag-repost, naging maugong ang espekulasyon ng netizens na maaaring ito ay may kinalaman sa kasalukuyang estado ng relasyon nina Kylie, AJ, at Aljur.

Vanessa Raval, ni-repost ang 'Sending to Ex' video ni Kylie Padilla
Vanessa Raval, ni-repost ang 'Sending to Ex' video ni Kylie Padilla
Source: TikTok

Samantala, nananatiling tahimik si AJ at Aljur tungkol sa isyu, habang abala naman si Kylie sa kanyang mga proyekto at sa pag-aalaga sa kanyang mga anak.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Read also

Chito Miranda, ibinida ang picture nila ni Neri sa kanyang pagbati para sa Bagong Taon

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate