Ara Mina at Cristine Reyes, magkasamang binatayan ang mommy nila na isinugod sa ospital

Ara Mina at Cristine Reyes, magkasamang binatayan ang mommy nila na isinugod sa ospital

  • Isinugod sa ospital ang ina nina Ara Mina at Cristine Reyes noong gabi ng "Gabi ng Parangal" ng MMFF
  • Kinumpirma ni Ara Mina sa mensahe sa KAMI na ang pag-iyak ni Cristine ay dulot ng kalagayan ng kanilang ina
  • Nailipat mula emergency room patungong private room ang ina ayon sa Instagram update ni Ara
  • Nagbantay si Cristine kasama ang anak niyang si Amarah sa ospital para sa kalagayan ng kanilang ina

Marami ang ang mga nagtanong kaugnay ng emosyonal na video ni Cristine Reyes na papaalis ng Solaire Resorts sa Parañaque City noong "Gabi ng Parangal" ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 27.

Ara Mina at Cristine Reyes, magkasamang binatayan ang mommy nila na isinugod sa ospital
Ara Mina at Cristine Reyes, magkasamang binatayan ang mommy nila na isinugod sa ospital
Source: Instagram

Sa nasabing event, naging presenter si Cristine para sa kategoryang "Best Supporting Actor" kasama si Sue Ramirez, kung saan inanunsyo nila ang pagkapanalo ni Ruru Madrid mula sa pelikulang Green Bones. Subalit, matapos ang presentasyon, kitang-kita ang pagmamadali at pagluha ni Cristine habang papaalis ng venue, na naging usap-usapan sa social media.

Read also

Cristine Reyes, namataang umiiyak habang nagmamadaling umalis sa MMFF Gabi ng Parangal

Sa eksklusibong mensahe na ipinadala ni Ara Mina sa KAMI, kinumpirma niya na ang naging dahilan ng pag-iyak ni Cristine ay ang pagsugod sa kanilang ina sa ospital noong gabing iyon. “Because sinugod mom namin sa hospital that night,” ani Ara.

Kasalukuyan pa rin daw na nasa ospital ang kanilang mommy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa Instagram stories ni Ara, hindi niya idinetalye ang kondisyon ng kanilang ina, ngunit ibinahagi niya na mula sa emergency room ay nailipat na ito sa private room. Samantala, makikita rin sa Instagram stories ni Cristine na kasama niya ang anak niyang si Amarah habang nagbabantay sa kanilang ina sa ospital.

Nagpaabot naman ng dasal at suporta ang mga netizen para sa ina ng magkapatid. Pinuri rin nila sina Ara at Cristine sa kanilang dedikasyon bilang mga anak, na kahit abala sa kani-kanilang karera, ay agad na naglaan ng oras para samahan ang kanilang ina.

Read also

Moira Dela Torre, wala na sa Cornerstone Entertainment

Si Cristine Reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.

Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.

Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate